Dahil Sa Iyo

Lyrics: Miguel Velarde jr. Music: Miguel Velarde jr. Sa buhay ko'y labis Ang hirap at pasakit Ng pusong umiibig Mandi'y wala ng langit At nang lumigaya Hinango mo sa dusa Tanging ikaw sinta Ang aking pag-asa
Dahil sa ‘yo nais kong mabuhay Dahil sa ‘yo hanggang mamatay Dapat mong tantuin Wala nang ibang giliw Puso ko'y tanungin Ikaw at ikaw rin
Dahil sa ‘yo ako'y lumigaya Pagmamahal ay alayan ka Kung tunay man ako Ay alipinin mo Ang lahat ng ito'y Dahil sa ‘yo
Dahil sa ‘yo ako'y lumigaya Pagmamahal ay alayan ka Kung tunay man ako Ay alipinin mo Ang lahat sa buhay ko’y Dahil sa ‘yo