Lyrics: Genesis Lago Music: Genesis Lago/Chodri Pableo/Paul Cassimir Salem/Von Pinlac/Thomas Lynmuel Ano bang meron ngayon? Kasama ko mga idol ko!
yeah yeah yeah
dati akong magnanakaw pero lahat nagbago simula nung natutunan ang laro at nakapa ko
naging kilala ng tao dating nilalang tapos naging bihasa’t lapis tinasa nagsulat ako maghapon
di ko tinatantanan pangarap binabakbakan ugh yeah ako ay ginagabayan kayo ay kinakantahan ugh yeah
lugar niyo binababaan kayo ay ginaganapan ugh yeah
di kita nilalamangan galing niyo sinasabayan lagi.
panahon na para para pabilibin ka at pakitaan maliwanagan mga babae kiligin pa
andito ako para singilin ka ewan ko lang kung kayang tiisin pa pagka napuno ay baka tirisin ka wag mo na kase ako na inisin pa
di ako naglalaro wag mo kong laruin ikot tatlong beses sa hood at saluhin mo ang mga bala ko sayo na ratatat olgang redboyz alam mong babakat
ha ha ha sino na sunod huy? guddhist sino na ang sunod? kayo na lumapat dito
Pag gising ko biglang nagbago lahat, kasama ko na mga dati kong pinapakinggan senyales to na umu-usad pag ginagalawan sa mga nagdududa sakin eto lang sagot dyan
di nako babalik sa mga dati ko na gawi wala na di na ma-aalis pangalan lagi na nasa list kailangan ko nalang magtiis malapit ko na to makamit salamat sa mga sumagip nung para nakong mababaliw
dinagukan ng tadhana pero pilit tumayo ginamitan ko ng puso't isip sa paglalaro ngayon kitang kita ko na yung mga natatamo buti nalang diko tinigil na maging ako
kumapit sa patalim pero hinugot ko men sarili ko na nasa bingit na at nasa bangin wag moko na sagarin baka ikay samain di kaba natatakot sa gabay ko na amain
haha! o diba diba diba? ayan si kuya gudds! o di kaba natatakot? eto na yung dala ko nakabalot!
Sige na lawakan sagarin kung ano ang kapasidad tapikin Di nakipag palaliman gusto na lang sagipin Ang mga bunga ng punlang matagal ng natanim Ang sarap lasapin pag bumakat kang maging
Di pangkaraniwan Biglang napabilang Di ako kasama dito Kung di na sabihan Ni guddhist na gumawa ng good shit Matapos ko maguhit mga mukha napunit Ahhk
Dati wala lang at musika ko nilako Ngayon andito pa at ung laro nyo nilaro Sa daming dinaanan kahit na daming bako Yun ang dahilan at paraan para maging ako
Kita mo sa lahat ng tinamo Di na to tinatablan kahit ano pang ibato Kung anong makakabuti yun ang tanging sinalo Malinis na trumabaho at wala tong tinalo
o ano ha?
Galing talaga ng mga idol ko ah Ako na ba? osige Game game game banatan ko na yan Baka banatan pa ng iba e)
Aye aye aye aye aye AP
Napasama't napabilang sa mga pambihira Bawal dito ang mahina, tulakan lang wag kang manghila Mga barang di tumitila, Mga tunay na hinirang kala nila madali lang pare nagkakamali ka haaaa?
Nilagare yung game at Prinoseso paangat Si Paul si Gudd si Mhot si Nate ang mga bagong alamat Sapul sa good nag-elevate pagkalapag sa etivac Ganda ng mood pang wake&bake alam mong laging sinasagad
Buhay ay sinugal, Babad to sa laro Wag ka magkukupal at pabano-bano Walang butal walang kulang saktong sakto Balanse lang parang Yinyang ang halo
Yo peso gang matik lam mong sakalam Umaasta na lang na Kala mo Walang alam Madami pang pag asa pare wag ka mawalan Tatapat din yan kelangan mo lang galawan
tara galawan natin! sakto sakin natapat yung mic, salamat sa espasyo mga tropa, solid yung mga kasama ko dito pero syempre
anuman ang naabot ng estado't narating magpasa hanggang ngayon, di pa rin naman maselan pag nababagot, nasa zone pa rin ng dayones tambay dun sa court at nakikipagbekbekan
pagtapos tanghalan mga imbitasyon sakin na may kwartong mahangin at magagarbong pagkain pagbalik ko rin samin, tsaka ko mas nasasabing iba pa rin yung salu-salo dun sa dahon ng saging
malata man yung kanin na galing sa patak-patak sa maliit na bilog umiikot yung sarap dahilan kung bat natutong makisa sa harap ng mga samu't saring tao sa iba't ibang ganap
dama ko yung galak ng mga nae-engganyo na alamin lahat pati buhay na pribado di pangkaraniwan yung anyo sa entablado pero mas bilib yung tao sa pagiging ordinaryo
di binago ng laro, wala nang kaylangang pamarisan o bihisan para lamang ilako kilala kung pano magsulat, walang imaheng patago tumatak yung kabuluhan kaya di sayang yung tattoo
kausap sarili, sabi ko sakin; wag ka maging silaw pinanatiling naririnig sa daming humihiyaw mahaba ang byahe ng 'yong lakbayin bago maging ikaw tandaan mo lang lagi kung san ka galing, di ka maliligaw