Lyrics: Joshua Mari C. Miralles Music: Joshua Mari C. Miralles/Zildjan Matthew Almuena/Gio Vicente/Johnjeff Jabique Sya na pala
Wala ng dahilan na bumalik sayo ramdam ko namang sya na ang pinili mo sya ang dahilan ng bawat sagutan, pilit mo saaking pinaglalaban na wala lang 'yon, kaibigan 'yon, makausap sya ay nagkataon lang nung una'y balewala, di inisip na iba, kahit laging ganon hinahayaan lang kita minsan mas mahaba pa nga oras para sa kanya, di na rin kita mahatak para mayakap kita ng katulad ng dati, alam kong 'yang kaibigan mo ang sisira saatin 'wag nang patagalin bakit hindi pa aminin, wag mong isipin na hindi ko to kakayanin dahil
Tinatanong sa sarili kung bakit, anong pagkukulang ko kahit gawin ang lahat sayo'y kulang parin, ayaw na kitang pilitin masyado mong inabuso ang puso kaya ako nalang ang susuko sana mahanap mo sa kanya ang kulang sa akin, sya na pala at ika'y papalayain
Bakit ba hindi ko naisip nang unang beses mo palang akong tinalikuran pilit ko parin kasing hinahawakan yung pangako mong ako lang at hinding hindi mo na iiwan nagpasilaw ako sa mga panahong mahal na mahal ka pa at saka kala ko ako lang, kala ko wala lang yung sa inyo, kala ko lang pala matagal nakong nag bubulag bulagan lalo sa gabi pag katabi ka parang halos ayaw mo na nga akong hawakan laging mayroong unan na namamagitan saating dalawa ako lang naman talaga yung nagmamahal at syang nagbibigay ng halaga sana dumating yung araw kahit bilang kaibigan ay masabi mong salamat kasi dumating ka ngayon dumating sya habang nasa akin ka yung sana mapasaakin ka habang buhay ay hinding hindi ko na hangarin pa na pakasalan ka ay malabo na ngang maganap ngayon na pakakawalan ka na nananaginip akong saakin ka parin kaso ako ay nagising sa kamang makatulala na nananalangin balang araw na malimutan ko yung araw ng nakilala kita nung sinabi ko na eto yung hanggang sa pag panaw kong makasama 'saka makatabi lahat ng iyan ay aking isasantabi sasanayin ko na wala ka saaking tabi hanggang sa ako ay makabangon na muli
Tinatanong sa sarili kung bakit, anong pagkukulang ko kahit gawin ang lahat sayo'y kulang parin, ayaw na kitang pilitin masyado mong inabuso ang puso kaya ako nalang ang susuko sana mahanap mo sa kanya ang kulang sa akin, sya na pala at ika'y papalayain
Ang hirap isiping Ok lang ako kahit hindi naman totoo halos lahat ng pakikikusap ko sayo di mo man lang kinibo di ko magawang lumaban kahit dama ko na parang may mali sa pakikitungo mo lahat tiniis ko maging Ok lang tayo kahit pa sagad na sagad na nga ako sayo pero pilit mo paring tinatakpan lahat, mahal mo pa ba 'ko? sagutin mo sapagkat hirap na 'ko na tiisin pa lahat ng sakit kahit ramdam mong alam ko na din ang lahat di ako makapaniwala 'nung narinig ko na mayroon kang kausap na lalaki sa tuwing gabi nag tutulo tulugan na lang ako habang may halong luha na umaagos dito saaking pisngi kinaumagahan agad kita na tinanong kung sino yung lalaki na laging kinakausap mo? ang sagot mo saakin anong pakealam ko dun may magagawa ba ako kung sya na yung napili mo na gusto mong kasama at hindi na nga ako, ano bang pagkukulang ko ba't ginawa mo 'to? kapal din ng mukha mo saakin sabihin ito ako na nga 'tong nasaktan. ako pa sisisihin mo pero kung ganyan ang gusto mo wala na akong magagawa palalayain na kita kung sya na nga ang syang magpapatuloy at magmamahal sayo sana ay laging pasayahin ka nya