Lyrics: Irvin Engelbert Ong
Music: Irvin Engelbert Ong
Ako'y nababaha sa sarili kong luha
Nabibigo
‘Di makapahinga sa iyong mga salita
Bakit gan’to
Hindi ko na masabi kung may pag-asa pa kaya
Pero sana masubukan natin pa
O kay ganda
Tila tala, ‘di makaisip nang tama
O pwede bang
Dalhin kita sa paraiso ng ligaya
Hinahanap ka
Sa dilim ng alaala ng puso ko
Gusto kita idala
Hanggang sa pagtanda ng buhay ko
Hindi ko na masabi kung may pag-asa pa kaya
Pero sana masubukan natin pa
O kay ganda
Tila tala, ‘di makaisip nang tama
O pwede bang
Dalhin kita sa paraiso ng ligaya
Bumalik sa umpisa
Pwede bang makausap ka
Gusto lang makita ka
Pasensya na
Bumalik sa panahon
May kapiling ka ngayon
Isa pang pagkakataon
Pwede ba
O kay ganda
Tila tala, ‘di makaisip nang tama
O pwede bang
Dalhin kita sa paraiso ng ligaya
O kay ganda
Tila tala, ‘di makaisip nang tama
O pwede bang
Dalhin kita sa paraiso ng ligaya
O kay ganda
Tila tala, ‘di makaisip nang tama
O pwede bang
Dalhin kita sa paraiso ng ligaya