Lyrics: Janah Rapas
Music: Janah Rapas
Ito na siguro ang simula ng kabanata
Ikaw na siguro ang tinamaan ng pana ni Kupido
Pagmasdan mo ang langit nakangiti sa ‘tin ang mga bituin
Totoo pala talagang mga sinabi nilang
“Nakakabaliw ang pag-ibig dahil"
Di naman totoo si Kupido
Di naman talaga nag nag ningning yang mga mata mo
Impossibleng maabot ang buwan
O masungkit man lang ang mga bituin
Para lang makahiling “sana’y mapasakin ka”
Di naman talaga ako mamamatay pag mawawala ka
Di naman talaga humihinto tibok ng puso ko
‘Pag nakikita ka pero sinta
Siguradong mahal kita
Grabe talaga ang epekto ng pag-ibig
Twing may nakikita akong magkasintahan sa gilid ako’y nandidiri
Ngunit nung nakilala kita di ko namalayang ako’y katulad na nila
Totoo pala talagang mga sinabi nilang
“Nakakabaliw ang pag ibig dahil”
Di naman totoo si Kupido
Di naman talaga nag nag ningning yang mga mata mo
Impossibleng maabot ang buwan
O masungkit man lang ang mga bituin
Para lang makahiling “sana’y mapasakin ka”
Di naman talaga ako mamamatay pag mawawala ka
Di naman talaga humihinto tibok ng puso ko
‘Pag nakikita ka pero sinta
Siguradong mahal kita
Ah Ah
siguradong mahal kita
Wala akong pake sa ah ah sasanihin ng iba
Siguradong mahal kita
Ah ah ah
(Ah ah ah)
Siguradong mahal kita
Kahit di totoo si Kupido
Kahit di man nagniningning yang mga mata mo
Di ko man maabot ang buwan
O masungkit man lang ang mga bituin
Palaging hihiling “sana’y mapasakin ka”
Di ko naman talaga ikakamatay ang mawalay sayo
Di naman humihinto ang ikot ng mundo sa isang titig mo
Pero siguradong mahal kita
Ah Ah siguradong mahal kita
Wala akong pake sa ah ah sasanihin ng iba
Siguradong mahal kita
Ah ah ah
(Ah ah ah)
Siguradong mahal kita