Di Na Maibabalik

Lyrics: Christopher Lloveras Music: Christopher Lloveras RNB Ano ba tong, nararamdaman, Puso koy, naguguluhan Akala koy, nag laho na, pero bakit ganito, ako pa rin nasasaktan Sa mga nangyayari, pero Di ko masabi, ang sigaw ng damdamin Mali man sabihin, na Di ka na sakin, sa kanya na binaling
VERSE 1 isip koy nag Durusa, habang nakahiga sa kama, Pangalan mo'sinisigaw, kainuman ang barkada, Akala ko nung una, may solusyon ang problema, Pero pag gising mo, ang sakit pa rin pala.
Pinilit Kong limutin ka at binaling sa Iba, Pero hindi umipekto ang akalang masaya, Nung una ng sinabi ko, wag akong mag alala Pero sa bandang huli, pasakit dusa ang dama
Sana nandito ka pa, hindi sa piling ng iba buo aking pag mamahal. Di tulad ng kanya Sinabi ko nung una, ikaw lang ang aking Prinsesa, ang kaha, rian ko, naging maitim na istractura.
CHORUS 2x Akala ko, ay kaya ko na, Di isiping kina kaya mag isa Akala ko ay nag laho na, itong nadadama, bakit hanap hanap kita
VERSE 2 Naalala mo pa ba, nung aking inilaban Pag mamahal ko sau, ito'y iyong iniwasan Biglang kong na tahimik, nawalan ng sandalan Problema ko tuloy, sino solo ko nalang
Mga batang walang muwang, nag lalaro sa isipan Daddy asan ka na, hindi ka ba mag pa pahinga, Dito sa bahay, kasama ko si liana utak koy lito, puso koy nag tatampo tanong sa sarili ko, bat sa kanila nag kaganito Ang masayang pamilya, hindi ko mapadama to pasensya mga anak, ganito naranasan na sistema. Situasyon na ito, ay aking ding, dilema
Minura aking sarili, kung tama ang landas Ganito ba talaga, ang mag mahal ng wagas Sobrang durog, ang puso koy wala ng sigla Pati walang muwang, damay sa aaway mag asawa
CHORUS 2x Akala ko, ay kaya ko na, Di isiping kina kaya mag isa Akala ko ay nag laho na, itong nadadama, bakit hanap hanap kita
VERSE 3 Sadya nga bang mapag laro sa atin ang mundo Iniligaw sa kawalan daang patungonlung saan Ko nga ba mahahanap ang pag ibig na wagas Sadya tong mailap laging nauuwi lang sa wakas
Ang pait ng kapalaran sakin ay kay lupet Ibinigay mo na ng todo nakuha pang ipag palet Bakit nga ba sa akin sobrang damot ng tadhana Di na nadala nakuha pang mamagasa
Ako ay namag asa sa salitang kaya mopa Na maibabalik pa pero bakit mas lalong lumala pa Lalo lamang gumulo bakit nag ka ganito Hindi mo na nilaban isinuko ng tuluyan
Imahe ng wagas pag ibig pangako ay nasan Mukhang lahat ng itoy isang tabi nalang Siguro sating dalawa hanggang dito nalang Ibaling sa iba baka dun pa matagpuan
VERSE4 w/ CHORUS Hindi ko lubos maisip, ano aking nagawa Bakit ang sakripisyo, ngaun sa akin ay nag wawala Limutin ka, aking itoy, isusumpa Nananalanging sana bigyan ako ng himala
Pero Kung Eto talaga, ang I pinag kaloob ng dyos Masakit man, subalit tatanggapin ng maayos Kahit sa storyang to, ramdam ang sakit pati galos Eto na ang huli, at wala ng pag aayos.
CHORUS 2x Akala ko, ay kaya ko na, Di isiping kina kaya mag isa Akala ko ay nag laho na, itong nadadama, bakit hanap hanap kita