Lyrics: Francesca Johnnae Chua Mahusay
Music: Francesca Johnnae Chua Mahusay
ay ganda ng iyong ngiti,
yan ang sabi niya sakin ng makilala ka niya nagsimula sa pabiro na bigla ring nagkatotoo, wala akong magawa kundi ang manood
na para bang pelikula na di ko inasahan, di naririnig ng bida aking mga banat,
di rin nagtagal ng kayo'y nagkasiraan wala kang kasalanan
Dahlia, Daldalan nanaman ang ganap Wag nang makinig sa sinasabi ng iba, O dahlia
O Pano malimot ang dating ala ala? di ko nakita ang iyong mga sugat
Di man lang nakinig, at nabingi
di naman daw totoo
ang mga pinangako sa iyo, kung di mo lang siya nakapiling, ako nalang daw sanang pipiliin
oo minahal natin,
nabulok sa kanyang pag ibig dalawa pala tayong pinaglaruan, kaya naman ay tayo'y nagsisisihan wala kang kasalanan
Dahlia, Daldalan nanaman ang ganap Wag nang makinig sa sinasabi ng iba, O dahlia
O Pano malimot ang dating ala ala? di ko nakita ang iyong mga sugat
Di man lang nakinig, at nabingi
sing ganda ng boses ko
ang iyong mga mata
kahit anong tingin niya sa akin, ikaw ang nakikita
sing tamis ng pagtingin mo ang aking pagkanta
kahit anong tingin niya sayo ay ako ang nakikita
O ang sakit paumanhin na lang
dahlia, di natin sinadyang masaktan tayo'y bata ba noon ay di natin alam ganito pala ang dinulot ng pag ibig niya iwanan ang sakit at kalimutan natin siya