mr. problemado

Lyrics: Ayzakk Panganiban Music: Ayzakk Panganiban dami mo nang ginawa para sakin at madalas pinag pala nilayo mo sa gulo, sinamahan pa kahit wala sa tama
palagi mo lang akong hinihitay di nag damot, lahat binibigay buhay ko'y hindi pa tapos hindi pa tapos idesign
mr. problemado ano bang ginagawa mo
maling gawin, di sadya pero di na mababago (at kaya)
ganyan talaga hindi ka laging tama
at di ka perpekto
ganyan talaga hindi ka laging tama
mr. problemado
sa dinami dami ng nagdaan nabawasan pero di nawalan ako parin ung palangiting mababaw ang kaligayahan
pero di maiwasan maka sakit, masaktan
natututo parin pangako tutuparin hindi na matatakot, at tatakas, haharapin
hmm emosyon nangingibabaw, minsan kinakain galit umaapaw, ayaw tumanggap ng pag mamahal malapit na sumuko pero langit ang nagsabing mag tiwala hanggang dulo madalas naalala kasalanan sa tao mga ginawa ko, bakit nga ba di sigurado marahil nalito sa sariling estado tama o mali, simpleng tao