Lyrics: Jayelle Tagbo Music: Jayelle Tagbo Lagi-lagi na lang akong ‘di makatulog Nagiisip nang kung anu-anong bagay Bababa na ako… Sino ang sasalo? Lahat ng isipin ay kapos... Ako’y walang malay
Ngunit sino ba? Sino Siya? Sinong may pakana ng istoryang ito? Sino ba? Sino Siya? Sinong may pakana?
Lagi-lagi na lang akong nagaabang sa iyo Unti-unting nauubos ang pasensiya ko Hanggang kailan ba ako magtitiyaga sa iyo? Lahat ng isipin ay kapos... Ako’y walang malay