Di Sinasadya

Lyrics: Anna Aquino Music: Anna Aquino Di sinasadya, ako’y natulala Mundo ko’y nag-iba nang makita ka Maari bang kuwento natin simulan Sana ay pagbuksan, wag mo nang pakawalan ‘Di naman sa pinipilit kita Nais ko lang na sayo’y ipadama Ang pag-ibig na masaya Hinding-hindi ka iiwan Hinding-hindi ka hahayaang malumbay Pag-ibig ko’y tunay Kaya halika na sa piling ko sinta Oh, oh, oh, oh, oh… Sa bawat sandali na ikaw ay katabi Di maiwasan na titigan ka Sa’king mga mata ay makikita ba Lihim ko na pagsinta ngunit pano nga ba? Kung sa tuwing lalapit-lapit ka Ang puso ko ay kumaba-kaba Oh halika na, sa piling ko sinta Hinding-hindi ka iiwan Hinding-hindi ka hahayaang malumbay Pag-ibig ko’y tunay Kaya halika na sa piling ko sinta Oh, oh, oh, oh, oh… Halika na, sa piling ko sinta Hinding-hindi ka iiwan Hinding-hindi ka hahayaang malumbay Pag-ibig ko’y tunay Kaya halika na sa piling ko sinta Oh, oh, oh, oh, oh…