Lyrics: Jim Paredes/ROLITO GO
Music: Jim Paredes/ROLITO GO
Andito na tayo
Wala na 'tong atrasan
Itataya'ng lahat sa laban
Nang walang alinlangan
Parang sa isang
Nagmamahal
Walang hindi makakamit
Walang 'di makakaya
Kung tayo'y may pagkukusa
At puso ay walang duda
Abot-tanaw na ang tagumpay
Hindi nagpapalupig ang pag-asa
Tayo mismong gagawa at huhugis
sa'ting kapalaran
Wag palampasin ang pagkakataon
Ituloy ang pagsulong
Tulong-tulong
tayong sasalubong sa hamon
Lumiliwanag na
Sumasapit na'ng umaga
Ang ating tapang ay gisingin
Upang makaya natin
Ang hamon ng ating mithiin
Hindi nagpapalupig ang pag-asa
Tayo mismong gagawa at huhugis
sa'ting kapalaran
Wag palampasin ang pagkakataon
Ituloy ang pagsulong
Tulong-tulong
tayong sasalubong sa hamon
Maniwalang kakayanin mo --
At buhay ay magbabago
Bakit ka pa maghihintay
Nandiyan na ang bukang liwayway
Ang tagumpay ay nasa ating kamay.