Jazzy Ties

Lyrics: Genesis Lago/Paulo Cernal Manlod/John Jeremy Ganzon/Dan Gerald Saribay/Lou Ashley Isidro Music: Genesis Lago/Paulo Cernal Manlod/John Jeremy Ganzon/Dan Gerald Saribay/Lou Ashley Isidro Luci J Usapang malabo pa dati pero ngayon andito na Daming ginapang makulayan lang yung mga pahina Kung mag mintis ang mahalaga alam ang inasinta Di mag lalaho yung tunog na parang may kakaiba
Nag bago simoy ng hangin taas ng pangarap Hindi umasa sa langit palaging tinulak Ano man dagok sa buhay hindi basta mawawasak May kanya kanyang pananalig at mga hinaharap
Layo naren kung saan kame nanggaling kung saan den papunta nawa'y palarin daming hangarin hindi lubos akalain yung dateng pinag uusapan ngayon nasa amen
Guddhist Ganon parin pakikisama kong hawak kahit dina uma-amat, walang nagbago gang ngayon sarili ay hinahanap, pangarap na makatapak sa itaas, kaibigan at pamilya sa hirap maikalas
masyado ng maraming nangyari, kaibigan naging kumpare, mga tropa kong nadale sana'y muling makabawi, kung minsan talaga'y tadhana marahas, sana'y muling mahanap ang liwanag palabas mapunta sa payapa na buhay, sarap man o umay kasama ay tunay, sarap nagpatuloy kaya ngayon makulay ang taglay ko na buhay sa mundo ina-alagain
Polo Pi Tayo-tayo nanaman ang mag lolokohan Syempre biro lang yun normal sa tropahan Tama lang na sumabay bawal ang unahan Malalim ang koneksyon aral ng subukan
kapag malungkot ang isa karamay mo ang lahat Bigat na ayaw namin na ikaw lang ang mag buhat Kami gamitin mong lakas pag malalim sugat Hanggang bumangon lumakas sila naman magulat
D na tulad ng dati madalang na mag kita Pag-ibig ang nag hari sa kaibigan na una Dito lamang kami lagi kasiyahan man o luha Buhay ibinahagi muntik narin makuha
Ghetto Gecko Daming ganap dami na rin nagbago Daming nangyari na hindi plinano Dati uhaw laging gutom sa panalo Para magampanan lahat kahit saan dumadayo Pero ngayon ay iba na, pangarap mataas nagpapakumbaba Kung ano man meron nagpapasalamat, sikapin makuha kung ano yung dapat Ubos na yung luha, natuto nang kusa Wala na rin takot sanay na sa lula Di magpapaawat lahat magbubunga Tuloy lang ang lakad sundan mo yung ruta
Youngwise Daming nagbago, naglaho Nanggago ng tao Sanay nadin na sumuway buti walang kaso Daming atraso sinisikap na bumawi Sinisipag palagi, di nagiisip ng balakid Di nasisilaw naakit sa atensyon ng manggagamit Parepareho lang lahat bagsak sa langit Pagkat ang luha at sugat naghihilom napapawi Nagiging lakas pa nga natin sa darating na sabit Hirap dumipensa sa iba pag nagkagipitan Bilang lang malalapitan Naging pamilya na sa iba turing sa kaibigan Sa taas na papunta hindi na kayang pigilan