Huling Araw Ng Mundo

Lyrics: Jude Gitamondoc Music: Jude Gitamondoc Di ba sabi ko hindi kita iiwan? Di ba sabi ko hanggang walang hanggan? At ngayon, heto na ang pagkakataon Kulang man tayo sa panahon Di na manghihinayang pa...
Ang mundo man ay guguho Manalig ka, hayaan mo Hangga't ako ang kapiling mo Kandungan ko'y kanlungan mo Dito sa huling araw ng mundo.
Yakapin mo akong para bang wala ng bukas Ibigin mo akong para bang walang wakas Kahit na ang lungkot ay sadyang kay ganda Habang ating pinagmamasdan Nahuhulog ang mga tala...
Ang mundo man ay guguho Manalig ka, hayaan mo Hangga't ako ang kapiling mo Kandungan ko'y kanlungan mo Dito sa huling araw ng mundo.
Kapit ka lang at wag kang bibitiw Paniwalaan mo, nandito lang ako...
Ang mundo man ay guguho Manalig ka, hayaan mo...
Ang mundo man ay guguho Manalig ka, hayaan mo Hangga't ako ang kapiling mo Kandungan ko'y kanlungan mo Dito sa huling araw ng mundo Nandito lang ako...
Di ba sabi ko hindi kita iiwan? Di ba sabi ko hanggang walang hanggan?