Lyrics: Jimmen Howard Alda Catap/Christine Emerald Alcana Leander
Music: Jimmen Howard Alda Catap/Christine Emerald Alcana Leander
Matatamis na ala alang kay sarap na balikan
sumasagi saking isip ang mga nakagisnan
labis ang aking saya sa tuwing ika'y mahahagkan
inakala ko nuon ito'y wala nang sukuan
Kaya pangarap nalang ba
ang lahat ng pangyayare
maibabalik paba o hindi na ma-aari
na sayong mga ngiti ako ay nabibighani
'di na mababalikan at di na nga 'to ma-aani
gustuhin mang ipaglaban ay hindi ko magawa
nakakulong ang pag iisip laging natutulala
tama bang ito'y ayusin baka puso'y mamaga
o dapat nalang sukuan upang di na lumala
Ang argumento sating puso na hindi matapos tapos
sigawan magdamag titigil lang pag napaos
bat hindi na maitapak sa silid ang 'yong sapatos
kasalanang ginawa para lamang makaraos
Kahit na ipilit ko
halatang di na kakayanin to
kaya gustuhin ko man sa tabi mo
nagbago na lahat iba na ang 'yong gusto oh
pwede bang patawarin mo na
hahayaan kita kung saan ka masaya
Hindi na makakasama sa panibagong umaga
at napagtanto ko rin na meron nang kinakasama
kahit atin pang ipilit di na saken pa sasama
dahil iba ang 'yong saya kapag siya ang iyong kasama
oo tama ka, tama na dapat natong itigil
(teka, bakit parang tumahimik)
di nakita halaga kaya ngayon ay nanggi-gigil
makamit ang kalayaang satin ay magpapatigil
Siguro nga di tayo para sa isat isa
kislap ng 'yong mata ay natabunan na kaya
Kahit na ipilit ko
halatang di na kakayanin to
kaya gustuhin ko man sa tabi mo
nagbago na lahat iba na ang 'yong gusto oh
pwede bang patawarin mo na
hahayaan kita kung saan ka masaya
Dapat ba na magparaya nalang
upang hindi na tayo masaktan
pagkukulang na hindi mapunan
walang magagawa kundi sukuan nalang
Kahit na ipilit ko
halatang di na kakayanin to
kaya gustuhin ko man sa tabi mo
nagbago na lahat iba na ang 'yong gusto oh
pwede bang patawarin mo na
hahayaan kita kung saan ka masaya