Lyrics: Jeremiah Magallano Music: The Prxphecy Soda: Ano nga ba ang gagawin ko Tambak na yung problema kaliwa't kanan Paano nga ba alisin to? oh pambihira (pambihira) (di ko kaya )
Sabi mo yakapin mo ako Saakin ang tingin, at maglakbay tayo Sa isang ngiti lang, aking nakalimutan Lahat nang mga bagay na nagpapalilito.
(Chorus)
Lumiwanag ang dilim, Nung ako'y nakatikim Ng halik sa mga labi mo Ang hiwagang mong dala Nakaka adik talaga Ano nga ba yung sikreto mo?
Kapag kasama mo ako ohuh ohuh Parang lumilipad ako ohuh ohuh Sige isama mo ako
Don Gab: Kakaibang saya sa pakiramdam, Tila kahit alitaptap sa paligid nalilibang. Bibihira lamang ang, Gan'tong masasandalan Kung maaari ngang mga paa'y wag ng ihakbang, Kasi, kapag ikaw ay nandirito, Huling Huli mo mga kiliti ko. Tila para bang araw araw na nasa disco, Binubuo mo bawat araw kaya ganito kaagresibo.
Maski yata kahit na sino, Pipiliin maparito, Sulit ang kada segundo Mapaoras man o minuto Taglay ng mga ngiti mo Tamis na mala capuccino, Sa dami ng mga nakahalubilo Ikaw lang ang nagiisang paborito.
Kakaibang hiwaga ang dating Palaging aasamin na sa pagtulog ikaw ang magsilbing sapin. Ika'y nakakapraning, Isa lamang ang hiling, maaaring dumalaw ka saking paningin, palagi.
(Chorus)
Lumiwanag ang dilim, Nung ako'y nakatikim Ng halik sa mga labi mo Ang hiwagang mong dala Nakaka adik talaga Ano nga ba yung sikreto mo?
Kapag kasama mo ako ohuh ohuh Parang lumilipad ako ohuh ohuh Sige isama mo ako
Eswar: Ano pa nga bang gagawin Aminado ko nais kitang lapitan Awitan na at walang pasaring Basta 'lam mo na wala tayong pwedeng sabihan
Sa kung anong nagaganap mula noon pati ngayon mainam Yung naganap sa lote o sa kotse dun sa norte't mga beses nagawi sa cr
Di na makadilat sa pagkakahalik Tila nga'y nabihag sa pagkakasabik Di na nagpatinag, tuloy na nabitag Nang yung araw at gabi na to ay maitawid
'Gang nagmistulang pilak tanaw lang sa sahig Di para idiga, baka masamain Iwas lang baka tuloy tayo masipat nang hindi na aaninag ng mga mahilig na mandaig
(Chorus)
Lumiwanag ang dilim, Nung ako'y nakatikim Ng halik sa mga labi mo Ang hiwagang mong dala Nakaka adik talaga Ano nga ba yung sikreto mo?
Kapag kasama mo ako ohuh ohuh Parang lumilipad ako ohuh ohuh Sige isama mo ako
EKIM:
Tara, Habang klima ay kalmado. Sulitin ang pagkakataon kahit di planado.
Wag kang mag alala o mailang sa ibang tao. Kasama moko mapadpad man sa kabilang ibayo.
Tayong dalawa lang, wala ng iba pang. Kasama tara samahan moko na mag libang.
Kumain at magpa hampas sa hangin tapos tanawin ang langit habang ang mga mata ay makinang.
Ayokong isipin ang oras. Kung ito ay sakit para sakin ikaw ang lunas.
Kung mahuhulog man ako pwede bang sayong butas. Kahit na lasang dagat lalasapin ko parang prutas. (Yan)
Payapa lamang ang paligid. Habang dinadama ko lang ang alay mong pag ibig.
Walang negatibong iniisip, Kalmado lang naka silip. Salamat at tinotoo mo yung aking panaginip.