Lyrics: Cheen-Louies Juanitez Music: Cheen-Louies Juanitez Araw-araw ka na nasa isip Ikaw lagi ang kasama ko sa 'king panaginip Kapag nakikita ka ngiti ko ay ‘di mapigil Sa aking isipan ikaw yung gustong makapiling
Pangarap na makatabi ka sa aking paggising Ngiti mo sa pagdilat ko ang lagi kong hangarin Dasal ko sa Panginoon sana ako’y palarin Kahit malabo pa ako’y nagbabakasakali
Misteryosong dalagita na aking nakita Mga mata mong kay ganda ako ay nahihila Sa kagandahan mong taglay walang ibang makapantay Kahit ilang babae pa ang makasalamuha Sa panahon ngayon marami nang nagloloko Mga relasyon na hindi pa nga nabubuo Pero pangarap ko na sana maging akin ka Hindi kita iiwan sa hirap o ginhawa pero ‘Di naman sa nagmamadali Kausapin mo naman ako kahit sandali
Tipikal na dahilan ang makilala ka Ang mundo mo at mundo ko malayo at magkaiba Alam naman natin na sa mundo mo ay prinsesa ka Kaya nahanap ko sa ’yong ‘di ko mahanap sa iba
Araw-araw ka na nasa isip Ikaw lagi ang kasama ko sa 'king panaginip Kapag nakikita ka ngiti ko ay ‘di mapigil Sa aking isipan ikaw yung gustong makapiling
Pangarap na makatabi ka sa aking paggising Ngiti mo sa pagdilat ko ang lagi kong hangarin Dasal ko sa Panginoon sana ako’y palarin Kahit malabo pa ako’y nagbabakasakali
Na sana’y mapansin mo bawat puso ko sa ’yong litrato At mga pagsulyap ko na parang ‘di pasikreto Bawat oras na dumaraan mas lalong lumalala Gusto na makasama ka at hindi ka na mawala Pero pangarap na lang ang ikaw ay makasama Hanggang tingin na lang sa napakagandang dalaga Litrato mo na lang ang lagi kong maigagala Pero hindi titigil sa nag-iisang panata Na sana’y makasama natatanging dalaga Bukod tangi sa lahat ikaw yung nag-iisang tala Na gusto kong maabot kahit na malayo pa Ang hangarin ko lang naman ay yung mapasaya ka
Araw-araw ka na nasa isip Ikaw lagi ang kasama ko sa 'king panaginip Kapag nakikita ka ngiti ko ay ‘di mapigil Sa aking isipan ikaw yung gustong makapiling
Pangarap na makatabi ka sa aking paggising Ngiti mo sa pagdilat ko ang lagi kong hangarin Dasal ko sa Panginoon sana ako’y palarin Kahit malabo pa ako’y nagbabakasakali
Na araw-araw ka na nasa isip Ikaw lagi ang kasama ko sa 'king panaginip Kapag nakikita ka ngiti ko ay ‘di mapigil Sa aking isipan ikaw yung gustong makapiling
Pangarap na makatabi ka sa aking paggising Ngiti mo sa pagdilat ko ang lagi kong hangarin Dasal ko sa Panginoon sana ako’y palarin Kahit malabo pa ako’y nagbabakasakali
Ako’y napapraning Ako’y napapraning Ako’y napapraning sa ’yo Ako’y napapraning
Ako’y napapraning Ako’y napapraning Ako’y napapraning sa ’yo Ako’y napapraning