Lyrics: JM Yosures/Kiko "kikx" Salazar
Music: Kikx Salazar/JM Yosures
Ilang gabi nang
pinag-isipan pa’no mabibigkas
Tama sila
marahil sobra ngang tanga ko na
Bakit wari bang ikaw na lang ang laging tama
Paulit-ulit lang sa mabababaw mong istorya
‘Di na rin tama
Sabihing “dahil mahal ko siya”
Parang tanikala
Sa’yoy hindi makawala
Sarili’y binawela upang ika’y lumigaya
Paikot-ikot lang
Nakakasawa
Di na mababago
Bahala ka na sa buhay mo
Di mo na ‘ko mapapaikot
Di na rin susunod sa gusto mo
Ito ang panata ko
Di na mababago
Hahanapin ko ang ligaya ko
Di mo na ‘ko mapeperwisyo
Di na rin luluhod sa awa mo
Ito ang panata ko
Itigil mo na
ang iyong mga pagdadahilan
Kung boses mo lang
ang lagi mong pinakikinggan
Di na tayo bata
At pagod ng umunawa
Ihahatid pa ba kita sa pintuan
Di na mababago
Bahala ka na sa buhay mo
Di mo na ‘ko mapapaikot
Di na rin susunod sa gusto mo
Ito ang panata ko
Di na mababago
Hahanapin ko ang ligaya ko
Di mo na ‘ko mapeperwisyo
Di na rin luluhod sa awa mo
Ito ang panata ko
Iyong pagmasdan ang kinahinatnan
Ngayon sino ang tunay na talunan
(Oh) Di na mababago
Bahala ka na sa buhay mo
Di mo na ‘ko mapapaikot
Di na rin susunod sa gusto mo
Ito ang panata ko
Di na mababago
Hahanapin ko ang ligaya ko
Di mo na ‘ko mapeperwisyo
Di na rin luluhod sa awa mo
Ito ang panata ko ohhh
Di mo na ‘ko mapeperwisyo
Di luluhod sa awa mo
Ito ang panata ko