Gising

Lyrics: JohnClair Mejico Music: JohnClair Mejico Sa tuwing ipipikit ang aking mga mata Lumuluha't di maibigkas ng labi ang nadarama Pinipilit ko nalang na umidlip at hindi na gumising Ng hindi ko na ramdam itong sakit na dala dala
Halukayin ang binhi at lahat ay daiigin Sa masukal na gubat kaiangan mo nang matalim Di ka uusad kung meron man sayong naka-daing Kailangang talunin yung nasa harap ng salamin Wag pang ibabawan ang mga naunang tinig Halika't sumabay sa pag-kumpas ng aking titik Ang kasagutan ay nasa dulo nang yong daliri
Hakbang ng pasugod at wag na wag mananatili Marami ang nag-aabang sayo sa itaas Planuhin mong maigi ang daanang malubak Kung madapa ay pagpagan tuloy ang pag-angat Hindi ka mananalo kung hindi ka papalag Isa ako sa nakaranas ng ganyang proseso Aminin mo man o hindi kailangan mong tumyempo iisalang ang daan wag liliko dirediretso Kapit lang ng mahigpit sagad nato walang pepreno
Kamusta na anak, nakatulog kaba? Kakain na lika't pag-hahainan kita San ka ba galing bakit ba parang puyat ka Pwede mo bang sabihin wag kang mag alala Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan Nandito lang ako kaya wag kang mag-aalangan Tayo lang naman ang tanging mag-dadamayan Mahal kita palagi mo 'yang tatandaan
Mga mensahe na itinatak ko sa aking isipan Alam ko naman ang lahat nang 'toy panandalian Hindi mo makukuha kung di mo pag-iigihan Pasensya kana pa kung hind kita nasabihan Marami ang problemang dumaan nung nawala ka Ako yung tanging tumayong ama sating pamilya Hindi ko man gusto pero kailangang mapa-aga Mahirap din pala na sumugal at maka-tyamba Katotohanan na hindi kana makakasama Di ko kalilimutan ang masayang ala-ala Patuloy na lalaban dahil meron pang pag-asa Mag-iingat ka hangang sa muli nating pag-kikita
Sa tuwing ipipikit ang aking mga mata Lumuluha't di maibigkas ng labi ang nadarama Pinipilit ko nalang na umidlip at hindi na gumising Ng hindi ko na ramdam itong sakit na dala dala
Sa tuwing ipipikit ang aking mga mata Lumuluha't di maibigkas ng labi ang nadarama Pinipilit ko nalang na umidlip at hindi na gumising Ng hindi ko na ramdam itong sakit na dala dala