Lyrics: Richard Mortel Jr.
Music: Richard Mortel Jr.
Malalaman ba ang kasagutan sa tanong na di mo pa sinasabi?
At kakayanin ba'ng makita ng mga mata, walang ngiti ang 'yong labi?
Mistulang parirala ang iyong tingin
Tinataguan na 'ko ng mga bituin
Sinong sisihin pag wala na ang kinang na dati'y naroon palagi
Ito na ba ang pahimakas mo?
Huling taludtod sa binubuong
Tula, ng ating pag-ibig hmm
Bahaghari
Napakagandang tanawin
Na nagsasabing 'Paalam' sa ulan
Mananatili sa piitan ng samyo ng 'yong unang pagmamahal
Kahit Bilnuran di mabilang ang mga iniwan mo'ng palaisipan
Ito na ba ang pahimakas mo?
Huling taludtod sa binubuong
Tula, ng ating pag-ibig hmm
Bahaghari
Napakagandang tanawin
Na nagsasabing 'Paalam' sa ulan
Anong nangyari
Wala na bang silbi ang langit
Hindi masabing "Kaya ko naman"
Bahaghari
Napakagandang tanawin
Na nagsasabing 'Paalam' sa ulan
Anong nangyari
Wala na bang silbi ang langit
Hindi masabing "Kaya ko naman"
Ikaw ay bahaghari
Napakagandang tanawin
Na nagsasabing "Paalam"