Lyrics: Wilmarc Joshua Ciriaco/Clark Kent Basas Music: Wilmarc Joshua Ciriaco/Clark Kent Basas Ouhhh ‘Wag ka ng umasang babalik pa ‘Di ka naniwala sa’kin diba? Ba’t ngayon ika’y nangangamusta “Tawagan kita” sabi mo, sagot ko “‘wag na”
‘Wag na, ‘wag ka nang umasang ako’y babalik sayo ‘Di kita gusto yun lang ang totoo Sa iba ka nalang magpasalo
Nagparamdam ka sakin tanong ano ang balita Sabay sundot ka kung pwede paba tayong magkita Hay nako hindi na kahit pa magbawi ka Hinalang tama ka kase ayun nagkamali ka
Ikaw sana ang kasama ko ngayon Kung naniwala ka sa mga plano ko noon nainip ka sa haba mabilis lang panahon bumitaw sa di malaman na rason Pero alam kona yon
Ngayong gumana na yung dating pinaplano ‘Kaw sana ang kasama paglipad ng eroplano Tinupad mo sana mga pangakong na pako ‘Wag kana mang gago, hoy ‘di ka magbabago
Ouhhh ‘Wag ka ng umasang babalik pa ‘Di ka naniwala sa’kin diba? Ba’t ngayon ika’y nangangamusta “Tawagan kita” sabi mo, sagot ko “‘wag na”
‘Wag na, ‘wag ka nang umasang ako’y babalik sayo ‘Di kita gusto yun lang ang totoo Sa iba ka nalang magpasalo
Ouh baby ‘wag nalang muna Masyado ng luma, Mga ganyang galaw mo sakin mula nung una Tiwala lang kailangan di mabigay ng kusa Wala ‘kong panahon bigyan pansin mga duda mo, ouwh baby wag nalang.
Alam mong ayos sakin kung may iba ka Kaso parang sinasamantala mo na ‘ko kamusta ka jan ngayong mag-isa ka
At kung kakatukin, magbaka-sakaling bumalik ka hindi ko na bubuksan. Kapalit ng bigay mong sakit yung sakit na ibabalik ko, Ako dulot nyan (Yeah)
Nung umalis ka parang, Gusto kong magmaka-awa Gusto kitang sundan kaso pano kung iba na yung kasama Sugat sa puso yung tama
Hindi na ko nanghihinayang Buti nalang umalis ka, kung hindi malaki yung nasayang..