Sayaw Ng Mga Tala

Lyrics: Danielle Balagtas Music: Danielle Balagtas Lilipad, lilitaw Sumasabay ang ‘yong damdamin Sa galaw ng araw Suntok sa buwan ang nakaw na tingin Naghihintay kung ibabalik mo sa akin
Ilang taon na ba kita sinusundan naipon na ang isang daang liham at isang libong kanta Naririnig mo ba ang puso ko Nakikita mo ba saking mata Na may gusto ako sa’yo
Ikaw ang talang gustong abutin ‘Di dahil ang tangkad mo rin Kung di dahil nakita ang buti ng puso mo Ang tipid mo sa tawa, ang gastos sa kunot noo Ngunit ang tamis makita ng ngiting pilit mong tinatago Hinihintay bawat umaga, dala ang dobleng almusal Minsan naiimik, minsan deretso bisikleta Madalas ‘di mo ko pinapansin, galit ka ba pag tutoring Ngunit sa aking pag-iyak, ikaw lang din ang tatabi
Lulubog, lilitaw sa paglipas ng bawat araw anjan ka pa rin Hinihintay mo bang dumilim Ngunit tila dala mo ang araw at ang mga bituin Ilang palapag ang layo ng ating bahay pati na rin ang ating pagiisip ‘Di ko maintindihan kung nagiisip ka ba ng sinabi mong may gusto ka sa akin Ilang taon ko na yan napapansin
Ikaw ang liwanag na umaabot sakin tuwing nagdidilim Pumasok ka sa buhay ko ng walang paumanhin Hangga’t hinahanap hanap ko na ang iyong mga ngiti ‘Di makatanggi sa lahat ng iyong hiling ‘Di mo alam tagos sa puso ko ang iyong bawat hikbi Gusto kitang tulungan pagtripan at minsan yakapin Inukit mo na ang iyong pangalan saking pangarap at sa bawat hakbang ang iyong kamay na ang kahawak
Kung nakikita mo ang nakikita ko ‘di ka magtatanong kung bakit ‘di sumuko Kung nakikita mo ang nakikita ko ‘di ka magtatanong kung bat ikaw ang pinili ko