Tingin

Lyrics: Niño Antonio Dagale Music: Niño Antonio Dagale Verse1:
Masaya akong kasama ka ‘di mo ba pansin na napapatingin Kahit ika’y umiiling Alam kong alam mo aking pagtingin
Naiisip kita ‘pag bumukas ang aking mata Ngunit isang tingin mo lang Pati ang puso ko’y Bukas na rin sa’yo woooo ooohhh
Chorus:
Lahat gagawin upang hindi mo na isipin Na ‘di mahalaga ang sasabihin Kahit ano kakayanin buong buhay Ilalaan para sa’yo ngayon palang Aaminin na mahal
Verse2:
Sa panaginip ikaw ang lagging alaala Para bang ayaw kang mawala sa buhay kong Puno ng saya at ligaya
Naiisip mo kaya Ang pagmamahal na aking dala Ngunit isang tingin mo lang Mundo ko’y tumitigil sa’yo wooo ooohh
Bridge:
Madaling sabihin mahirap gawin Pero papatunayan ko pa rin Na ikaw lang ang mamahalin Habang buhay
Chorus:
Lahat gagawin upang hindi mo na isipin Na ‘di mahalaga ang sasabihin Kahit ano kakayanin buong buhay Ilalaan para sa’yo ngayon palang Aaminin na mahal kita
Mahal kita