Lambing

Lyrics: Fitz Shioda Music: Fitz Shioda Ikaw ang sayang Nagtanggal ng lumbay sa ‘king puso Ikaw ang tamis Kapalit ng pait ng pagsuko, hoh Ikaw ang haplos ng kilig sa aking mukha Na tila’y hindi mawala
Sa akin ka na lang lumambing ‘Di magsasawang Pagmasdan ang ngiti mong Kay ganda sa dilim Nakaukit na sa ‘kin yakap mo at tingin O akin na lang Ang ‘yong lambing
Adik na yata ako Sa ‘yong hawak at Laging sabik marinig Ang ‘yong tawa
O anong ginawa mo Ginayuma mo ba ‘ko Habambuhay ba Ang bisa nito
Sa akin ka na lang lumambing ‘Di magsasawang Pagmasdan ang ngiti mong Kay ganda sa dilim Nakaukit na sa ‘kin yakap mo at tingin O akin na lang Ang ‘yong lambing
Sa akin ka na lang lumambing ‘Di magsasawang Halikan ang ‘yong labi gabi-gabi Magkahawak-kamay Hanggang ika’y humimbing Sa ‘yo rin lang Ako lalambing