Naantala (Squid 9 Version)

Lyrics: Raymund Emmanuel Marasigan Music: Raymund Emmanuel Marasigan/Alejandro Claros Jr./Daniel Jade Dionisio Tulala lang ako sa aking bintana Sa silid ko na walang nakakakita Pati mga tala di nag papakita Pagmasdan mo ang mundo tila ba lumuluha
Ang dalang hiwaga ay nakakasima At tiba tiba tiba lahat ng mandaraya Nakakahawa,nakakasawa,nakakaawa Dala dala nila pati ating bandila
Nangungulilang mga alilang Tila ba parusa na walang sukdulan Bilang magulang ayaw magkulang Pwede bang pigilin sandali ang iyong pagsilang
Nakakailang beses na ako na nagdarasal Hanggang kailan pa ba ito na mag tatagal Hindi naman ako sa na nag aangal Alam ko naman kong gaano ako kahangal,ikaw lang nag iisang mahal
Samantala Naantala Nangangarap Na lumaya
Bawat pag-ngiti raw ay mayroong kapalit, kung nais lumigaya ay masanay sa sakit Ka-hambing ng madilim na dako at liblib Batid na masukal ngunit dun ka pilit sumisiksik Sino bang nagsabing sulit ang paghihintay, kung sa huli ay di mo rin mapapasakamay Walang talab ang gamot pangontra sa lumbay Kung ang tamang medisina, rason bat di mapalagay
Kahit ilang tanong ng "kung bakit", kapalaran mo'y kay pangit, hanggang anit man ang galit Ay walang respondeng malinaw ang pagpawi kundi pangungumbinsing maging positibo lang lagi
Ang buhay, naka-disenyong mawasak at buuin, Tuwing aasa ka, asahan mong mabibigo ka rin. Pag hindi handa'y ibabaon ka ng duda't hinala, Wag palaging magsaya nang ang saya di maantala
Samantala Naantala Nangangarap Na lumaya
Buksan ang damdamin Mundo’y hihilom din
Buksan ang damdamin Mundo’y hihilom din