Lyrics: Ron Benedict Manalo
Music: Ron Benedict Manalo
Verse 1 : Yolab
Bakit di sisipagin kung napakaaraming tinatamad
Habang sila nagbabangag ako sumasagad
Mga nagbabalak na akoy masuwag hoy duwag
Takot kaba na masapawan iwan sa realidad
Ako ayoko den kaya daming plano ihinahin
Na balang araw samin lahat ay magpapakain
Kaylangan kong kilusan kahit di lang para sakin
Mas mainam ang sakap kapag pag pinagtulungan natin
Lahat ay aabante lahat susulong
Kapag may nangaylangan dapat lang bigyan ng tulong
Ang byahe natin patuloy na gugulong
Mag iingay sa ibang lugar di lang basta uugong
Mag tiwala imposible gagawin posible to
Gamit gamit ang talentong hinusayan ng husto
Kung sakaling naiisip mo narin ang pag hinto
Isipin mo palagi kung bakit sinumulan mo to
Chorus : Tuglaks
Alam ko na alam mo kung ano ang pangarap ko
Ang matupad pangarap mo makuha mo ang yong gusto
Kasama ka saking mga dalangin
Ganon karin ba sakin
Magkakaiba man ang ruta na binabaybay
Ngunit sa paglalakbay natin ay
Hangad kong tayoy mag tagumpay
Verse 2 : Yolab
Ilang hirap tiniis mabago lang yung aking kapalaran
Kahit merong lumihis kaibigang kaakbayan
Pagtapos matulungan tinuring kang kalaban
Ganon pa man hiling ko sa inyo ay kaginhawaan
Minsan kaylangan umiwas o lumayo
Sa sariling paa mo matutunan tumayo
Iisipin na nagbago lumaki ang ulo mo
Anong masama kung pipiliin kong maging ako
Importante totoo at hindi nag papanggap
Sinasabe ang lahat ng panget sa iyong harap
Kaibigan akong tunay hindi para manaksak
Tsaka gusto kong umangat ng hindi ka babagsa
Hangad ko sa lahat ay makamit ang gusto
Ng sa ganon masabi mo mali mga nanukso
Kung iniisip mong sarili lang iniisip ko
Mali ka na ng iniisip di ako tulad mo
Chorus : Tuglaks
Alam ko na alam mo kung ano ang pangarap ko
Ang matupad pangarap mo makuha mo ang yong gusto
Kasama ka saking mga dalangin
Ganon karin ba sakin
Magkakaiba man ang ruta na binabaybay
Ngunit sa paglalakbay natin ay
Hangad kong tayoy mag tagumpay
Outro
Diba ang sarap makitang lahat tayoy umaangat
Kasama kaibigan mo nung panahong tag hirap