Lyrics: Ronzel Bautista
Music: Ronzel Bautista
Hindi masabi ang nararamdaman
'Di makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang 'yong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo
Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang 'sang tulad mo
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang, hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin
Hindi mapakali hanggang tingin na lang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko

Ng mga bituin
Handang ibigin ang 'sang tulad mo
Ng mga bituin
Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Ng mga bituin
Handang ibigin ang 'sang tulad mo