Lyrics: Jayelle Tagbo Music: Jayelle Tagbo Mas mabuti pang tulog lagi-lagi Kesa sa dilat ang aking mga mata ‘Pagkat nalalaman ko na wala ka pala Mahirap kasing tanggapin na malayo ka
Sige lang ipipikit ko ang aking mata Para lang makasama ka sa tuwina
Ipapasyal kita sa aking paraiso Ililibot kita sa buong mundo At pagnagsawa ka ay papasyal kita sa ibang planeta Lilibutin natin ang buong kalawakan
Mas mabuti pang tulog lagi-lagi Nakaksama ka kahit sandal Sana’y huwag nang matapos ang siestang ito Kahit malagot ang hininga ko “at least” kasama ka
Mas mabuti pang tulog Mas mabuto pang tulog… Oh mas mabuti pa