Gunita

Lyrics: Alex Rale Music: Samuel Mopal/Yeoj Rivera/Alex Rale/Harold Tabuno/Jeremiah Torda Nang bumalik ang ulirat Unti-unting naglalaho Ang yakap mo, mga ngiti Naparam na alaala
Ang tanging naisin ay maranasan kang muli
Maari bang hawakan At pansamantalang punan ang aking kamay? Sa pagising man ay may luha Ikukubli ang 'yong gunita
Sa matalik na panahon Asilo na hindi na maituturing Naiwang kanlungan sa panaginip Tatak ng 'yong alaala