BYAHE

Lyrics: Luke Perry DeLa Cruz/John Clair Mejico/Leira Joe Beriña/Sophia Bianca Tiambeng/Ferdinand Motita/Jayson Luzadas/Janine Cardozo/Dorothy Jane Igharas/Richard Bryan Baccay Music: Luke Perry DeLa Cruz/John Clair Mejico/Leira Joe Beriña/Sophia Bianca Tiambeng/Ferdinand Motita/Jayson Luzadas/Janine Cardozo/Dorothy Jane Igharas/Richard Bryan Baccay SABAY SABAY ITAAS ANG KAMAY ISIGAW NA ATIN ANG TAGUMPAY WAG KANG HIHIWALAY SATING BYAHE ALAM KO NAMAN NA MAY MAGANDANG MANGYAYARE EH EH EH BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW
Teka chill ka lang madami ka pang dadaanan Pwede mo taasan ang bawat ambisyon linawan Sa bawat araw na hindi mo madama sarile Lagi lang mo lang tandaan lahat naka laan hangat ika’y madinig Hangat lahat ng sinasana mo Onti mabot Wala namang masama Kung gusto mong sumunod Hayaaan mo at bitawan Ang mga bagahing Naka pasan sayong likod Kay, sarap sa pakiramdam na kayo ang aking, mha kasabay Sa malubak na byahe tayo’y aabante
Yung mga sablay nag patibay Nagpatatag saking loob di na pumirmis sa mga Maling sakin sumaklob
Tignan mo ngayon Mas kakayanin na lahat Para pasanin ko saking Balikat di na bumigat
Patawad naman saking Kasalanan Alam ko rin naman na di Kayo nagg kulang Pero salamat kase di Niyo ko iniwan Kayo ang Dahilan kung Bat lalong ginalingan
Anu man ang mangyare Tuloy ka lang Kahit na madami Diyaan humahadlang Sumama sa byahe Wag kang maiilang Papuntang tagumpay Kaya diretso lang
SABAY SABAY ITAAS ANG KAMAY ISIGAW NA ATIN ANG TAGUMPAY WAG KANG HIHIWALAY SATING BYAHE ALAM KO NAMAN NA MAY MAGANDANG MANGYAYARE EH EH EH BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW
madami mang umantala, aabutin ko ang tala Maging mahirap mabigat di naubusan ng bala tiwala hanggang sa dulo yan ang lagi kong dala wala ng makakapigil sige tuloy sa pag arya
Dahil minsan ng tumawag ang bawat mga hamon At kung hindi mo man kinaya nung mga panahon Akoy nandirito lang sakali mang buhay patapon Lam kong lahat ay may pagkakataon
Bumawi at bumangon salatin ang tagumpay Kahit madami ang lumamon manatili kang buhay Lahat ay malalampasan bastat ikaw ay umakbay Kapit lang hanggang sa dulo iabot mo ang kamay
Ako yung tipong kadalasang hindi mo napapansin, Laging lang naalala kapag merong hihiling. At naatasang tumupad sa pangarap ng iba, Hindi ko na namamalayang napag-iiwanan na.
Kabiguan ang unang bayad ng maging karapa-dapat, Umaasim na sa pawis kahit laging inaalat. Mas malayo ang balik pag mas tinodo mo ang unat, Nagawa kong mabuo ng kakapulot ko sa kalat.
Kamay lang meron ang oras, kaya hindi ka pa huli. Hindi yan tatakbo kaya makakahabol kang muli. Tila madami ang sawi kahit madaming pambili, Dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi nabibili.
SABAY SABAY ITAAS ANG KAMAY ISIGAW NA ATIN ANG TAGUMPAY WAG KANG HIHIWALAY SATING BYAHE ALAM KO NAMAN NA MAY MAGANDANG MANGYAYARE EH EH EH BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW
Akoy kasama mo sa byahe Kahit na ano man ang mangyare Di na isipan hatakin yung tale Para sabihin manong para sa tabe
Nag papa salamat na andto ako ngayon
Sumasabay lang sa hamon kahit ganon
Hindi to mapapagod Sumusubok kahit natatalo
lahat ng to may kapalit Lahat ng hinihiling bumabalik Kaya asahan mong hindi to’ lilihis
Bata bata ganun talaga, Masasaktan ka bago mo malaman ang halaga, Madadapa ka sa mga lakad san man papunta, Maliliit na tagumpay dapat ginugunita, Maingay dyan sa baba kailangan mo mangapa, Kahit na yung iba ay anak ka ng tinapa, Hindi lahat sa likod-mo ay mga totoo, Hanapin mo ang nasa gilid mo nung di ka buo, Ika’y kumibo kung may nakita ka na mali, May makakaligtaan ka kung nagmamadali, Kaya sandali lahat tayo gustong tumaas, Makaka ahon din tayo sa daan na madulas,
SABAY SABAY ITAAS ANG KAMAY ISIGAW NA ATIN ANG TAGUMPAY WAG KANG HIHIWALAY SATING BYAHE ALAM KO NAMAN NA MAY MAGANDANG MANGYAYARE EH EH EH BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW BASTA TULOY MO LANG AT WAG KANG AAYAW SIGE DIREDIRETSYO LANG GAT DI MO PA TANAW
salungat man ang nag mumula sa kanilang mga bibig. hind titigil hangang ang lahat ay mapa bilib. alam kong malayo pa ang dapat na tahakin. ngunit ang guhit nang kapalaran ay na sasakin. maraming salamat sa mga naka daupang palad at hind ako iniwan hangang dulo. kaya laging panatag alam ko na mag bubunga ang lahat basta wag hihinto. laging pala isipan man kung saan pupunta. saking pag balik ay higit na mas mahalaga..
Init ng tanghali sabay uhaw ng bibig, Gutom ng sikmura at paa ko sa sahig. Kulang pa sa tulog sa higaan kong banig, Ito marahil ang rason kung bakit bakal ang dibdib.
Isang mahabang byahe at wala na tong hintuan, Na syang aking tinutukan kahit na ako'y tutulan. At tagumpay ang daanan kapag di mo sinukuan, Ang kutya at panlalait ay hindi ko pinatulan.
Hindi bubunga ng dumi, ang pagawa ng maganda, Maling aral ang nilimot kaya lubos na nagtanda. Anung pagsubok ang dumalaw, dapat lagi kang handa, Nasa palad ang tadhana kasi tayo may akda.