Malay Mo

Lyrics: Raymart "Ramdiss" Profugo/Airon Paul "Hero" Bayani Music: Raymart "Ramdiss" Profugo/Airon Paul "Hero" Bayani (Chorus) Malay mo may rason kung bakit lugmok ka ngayon Malay mo dito sa lupa ay may iba kang misyon Malay mo hindi mali ang iyong pagdedesisyon Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailang pa papalarin Malay natin sadyang iba ang hinahain Para hanapin o mas malito, mangapa, dedidkasyon ay hamunin Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin
1st verse(Ramdiss) Puro pagkakamali sa pag aapura't pagmamadali Sa kagustuhang agad na mag wagi Ay paulit ulit lamang na nasawi Nakalumpaging mga labi ng kahapon gusto ko ng pahigain
Sa kabaong pano pa Babangon kung pati panahon Ayaw sumang ayon Sa ang dami ko ng oras na natatapon
At nasasayang Hayaan na lamang Ang pagkakataong di mo tinamaan Namamanhid na rin panghihinayang
Sa dami ng pangarap na ginagapang Ilan lang ang nahaplos at nahawakan Yun pang hindi mo tinatalong kalaban Ang maghahatid ng panalo sa laban
Mapaglaro ang kapalaran hindi tatamaan Ang pinatamaan at ang tatamaan Ay yung hindi inaasahan Yung nasa tabi ang masasagasaan
Naging laman ng bente kwatro Halos dalawampung ulit din akong natalo Di ko alam na hinahanda nya lang pala Ko para sa malaking panalo ko kwarenta y kwatro
Dami kong nais Pero babagsak lang pala ko sa papel at lapis Sa dami ng gusto kong abutin Ang inabot nya sa akin ay baril ni Aris Bang! banggitin mo lang ang mga hiling At wag ka ng umasa ng labis Kasi baka bukas o sa makalawa Ay ikaw naman ang susunod na ramdiss. malay mo!
(Chorus) Malay mo may rason kung bakit lugmok ka ngayon Malay mo dito sa lupa ay may iba kang misyon Malay mo hindi mali ang iyong pagdedesisyon Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailang pa papalarin Malay natin sadyang iba ang hinahain Para hanapin o mas malito, mangapa, dedidkasyon ay hamunin Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin
2nd Verse(Hero) Sa dami ng gusto kong gawin ay sadyang nakakalito Walang kasiguraduhan ang resulta pero tinaya ko Lahat na pati pamanggulo dahil sa aking ginagawa ay nawiwile Lalo ko pang tinaasan ang aking pangarap di tingin saking sarili
Pinangarap ko na balang araw masoot ang toga Pero pinagkaloob sakin nota Mga napanood ko sa telibisyon ay Kinalulugod kong makasama
Dati kala ko wala na kong pagasa Na kahit papano matamasa Ang buhay na maayos kahit di marangya Basta lahat masaya kasi yun ang mahalaga
Dahil kung minsan tumagilid na Ang sarili ko ay nanghina Sumasabay na ko sa novena Dinarasal umabot ng nobenta
At sa pagkakataon na yon Sana ay nakabawi nako sa lahat Ng tumulong sakin ng walang kapalet
Marahil hindi ko alam ang dulo Pero alam ko na san to patungo Buti nalang nakinig ako sa kaibigan Bukod tanging naniwala at sinabi nya na malay mo
(Chorus) Malay mo may rason kung bakit lugmok ka ngayon Malay mo dito sa lupa ay may iba kang misyon Malay mo hindi mali ang iyong pagdedesisyon Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon
Kasi malay natin kung kailang pa papalarin Malay natin sadyang iba ang hinahain Para hanapin o mas malito, mangapa, dedidkasyon ay hamunin Kung gaano mo kagustong marating kung anong gusto mong gawin
3rd Verse
(Ramdiss) Kung madilim ang kahapon May kalakip na liwanag ang bukas Lahat ng matingkad ay pwedeng kumupas Lahat ng me butas may panakip lunas
(Hero) Hinugutan ko ng labis Kada punas ng pawis Para mahulasan ang pag-asa ko Na may tyansa sa mga sinasabing
(Ramdiss) Malay mo ang dahilan kung bakit, patuloy kang sumasabit Ay para di ka mangawit at mas tumindi ang kapit Sa oras na makalapit ay handa na mangalawit, Makadagit, makakabig mo na
(Hero) Malay mo yung kinakarindi mo na paulit ulit na payo Na galing sa taong palo ng palo Ang syang magdadala sayo sa iyong pagkapanalo Kaya dapat handa ka pag pinamuka sayo na
(Ramdiss) Malay mo yung mga salita na ayaw mong tanggapin Ang magtuturo sayo kung pano mo tatanggalin Ang takot para sa sunod ikaw naman makatikim At tanghaling mahanay sa magagaling
(Hero) Malay mo ay tinatagalan talaga para masukat Kung paninindigan mo dahil kung gusto mo Dapat walang sukuan at kung nahihirapan ka Mas lalo mong palagan kasi kasi
(Ramdiss) Malay mo kaya ka inaantala hindi ka sa ginagambala Hinayaan kang di maniwala para wala kang rason na maghinala Sa parating na pagpapala at sa gantipala't ligaw na biyaya Basta wag mong madaliin kase biglaang darating ang para sayo pag handa na sagutin ang mga malay mo
(Hero) Malay moโ€ฆ Malay moโ€ฆ Malay moโ€ฆ. Ohhh ohhhh oh
(Chorus) Malay mo may rason kung bakit lugmok ka ngayon Malay mo dito sa lupa ay may iba kang misyon Malay mo hindi mali ang iyong pagdedesisyon Baka hindi mo lang gusto kung anong meron ka ngayon