Lyrics: Paolo Toledo/Aristotle Pollisco/Nicole Leonar Music: Raymund Marasigan Mata ko’y paluhain / kahit ang balat butasin Di ako tinatablan / Di ako tinatablan Pag nagpaulan sa hangin / ang bala’y sasagupain Di ako tinatablan / Di ako tinatablan Sa malayong lalakarin / uubusin ang hinain Di ako tinatablan / Di ako tinatablan Kahit na lututin man ang laban / at inyong lasunin Di ako tinatablan / Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan) Tamaan man kahit ilan (Di ako tinatablan) Sige lang magpaulan (Di ako tinatablan) Di ako tinatablan / Di ako tinatablan
Mabigat na buhat / Luma na panulat Bumabalik lagi sa sulat kabisado sulat Masukal na gubat / Galos puro sugat Pupunitin lagi kahit gano pa kakunat
Sabay unat para di tablan / Bakal ang nilalaman Sugod lang / Dami niyong patira pero hangin lang Puso at talino ang / aking ginagalawan Kaya’t ganyan kahit anong patlang / ako ang lalamang
Anuman ang lumipas / ako ay di matitinag Mananatiling matikas / ang katawan at isipan Nananaig ang liwanag sa kadiliman Umabot man ako sa dulo ng walang hangganan (Gloc) Mataas man ang hagdanan
Bago ko pasukin ang larangan / nakilala ang kalaban Ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang Kumapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang Suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan
Digmaan sa kanto / may mga atraso Kailangang tignan na parang kagat ng aso May lamat na baso / Sami’y walang kaso Mainit na tila pinabayaan na trangkaso
Eh ang kaso may humarang / pero di naman lalaban At kahit may ibalang / lagpasan walang atrasan Kasi di niyo lang alam ang aking mga dinaanan Sige lang subukan ang sapatos ko / kung kaya niyong lakaran
Ang dami dami dami dami niyong binibitawan Lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan
Wag puro salitaan / Lagyan mo ng galawan Sa ganyang kilusan baka ika’y masagasaan
Manibela / mani obra Pag hindi krus / yan ay kara Dami nang lumalamon sa kusina Bat di ka maghain sa sala, para
Para may puwesto / wag laging imbento Baka sa balita ikaw ang makita sa mga ulat ni Calvento
Alam ko namang hindi madali Maranansan ginhawa man o sakit Subukan mo mang / hamunin ay Hinding hindi kayang patumbahin
Asintahin ang iyong hiling Mga pangarap iyong abutin Huwag kang matakot na lumusob sa gera Nakahanda ka dapat saluhin Nakahanda ka dapat salagin