Lyrics: Gabriel Angelo De Castro/Matthew Auditor
Music: Gabriel Angelo De Castro/Matthew Auditor
Sabi mo ‘di ka handa
Sabi ko sa ‘yo
‘Wag kang mag-alala
‘Di naman ako nagmamadali
‘Wag kang magmadali na
Lumisan kung wala pa nga
At alam kong natatakot kang mahulog muli
Pero dito lang ako’y naghihintay
Pa-pa-pasensya kung parang naiinis ka na
Sinasabi ko lang ang aking nadarama
Aaminin mo na ba na napapagod ka na
Sa larong ito
‘Di ka naniniwala na walang iba
Pero ‘pag nilalambing ka’y magagalit ka
Kahit itulak mo ’ko papalayo
Maghihintay pa rin ako sa ‘yo
Araw-araw na tayo nag-uusap
Pero ba’t parang masama
Kung makita tayong dalawa, bakit ba
Ang sabi mo ay may pag-asa
Pero aasa ba ako
Na sasabihin mo na ako’y iyong gusto
At alam kong natatakot kang mahulog muli
Pero andito lang ako’y naghihintay
Pa-pa-pasensya kung parang naiinis ka na
Sinasabi ko lang ang aking nadarama
Aaminin mo na ba na napapagod ka na
Sa larong ito
‘Di ka naniniwala na walang iba
Pero ‘pag nilalambing ka’y magagalit ka
Kahit itulak mo ’ko papalayo
Maghihintay pa rin ako sa ‘yo
(Oh, oh, ohh)…
Pasensya kung parang naiinis ka na
Sinasabi ko lang ang aking nadarama
Aaminin mo na ba na napapagod ka na
Sa larong ito
‘Di ka naniniwala na walang iba
Pero ‘pag nilalambing ka’y magagalit ka
Kahit itulak mo ’ko papalayo
(Papalayo, ohh)
Pa-pa-pasensya kung parang naiinis ka na
Sinasabi ko lang ang aking nadarama
Aaminin mo na ba na napapagod ka na
Sa larong ito
‘Di ka naniniwala na walang iba
Pero ‘pag nilalambing ka’y magagalit ka
Kahit itulak mo ’ko papalayo
Maghihintay pa rin ako sa ‘yo