Lyrics: NERO Music: NERO/Chrizo Baks sa buhangin ang paglalakad Tanda yan na alam mo ang tatak ng paglalayag Sabi pa nila dapat sumasabay ka sa agos Ngayon sa dalampasigan mo napadpad kaya pag...
Merong bisa na mahirap mawala Kinapitan ng karisma't namangha May talang pagtumitingin ka'y bumababa Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ganda
Pagbangon ng mga paa, baon ang mga dalang Dagok sa kahapon ko, galos at mga amba Bago nang malaman kong tangan mo ay ang ganda Di na nabitawan nung natuto ka nang magdala
Sa barkada ko di mapalagay Wala kang hinihingi mas pinili kong bumigay Kung ikaw ay bituin ako'y lumuluhod sa tala Bilang pagpapaliwanag ng perpektong halimbawa
Gusto kang malapitan kaso sa malapitan Naiiling sa iilang tinging nilalaliman May tamang naiiwan! Mali ba? na maliban Sa alak ay ngiti mo'ng may mas tamang naiiwan
At gusto ko na matamo ang mga mata mo Hirap na makatapat ng makakatagpo Kusa mong inaabot lahat ng kiliti mo May kumpletong mga ngipin na kumagat sa biro
Merong bisa na mahirap mawala Kinapitan ng karisma't namangha May talang pagtumitingin ka'y bumababa Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ga,nda
Sinisipag 'kaw na ang pinagkaabalahan Di masilipan ng butas nung nagkakasalaan Ako ang bihag at ikaw ang di ko papakawalan Ako ay di man isang amo, ang hawak sa balakang
Abang abang na lang ba sa kasunod Na kabanata na atat na mapanuod Ikaw may nagiisa parang napapaligiran Ako ng realidad na napapanaginipan
Nahihibang... sa ihip ng.. naiibang.. Kalam ng tyan tuwing ang oras ay nagbibilang Tumatakbo pagkasama kita Nangungusap ang mata kapag nagsasalita
Panliligaw ay di mundong umiikot sa isang araw At ako'y nanatiling timbang hindi umaapaw Nakakatuwang malamang namanhid ang katawan Na ang dating katuwaan lang ang naging katuwang
Merong bisa na mahirap mawala Kinapitan ng karisma't namangha May talang pagtumitingin ka'y bumababa Tubbataha nangibabaw napasailalim sa ganda
Lumipas ang mga araw nadamay ang anino Liwanag saking palad ang nagsabing hiningi mo Kung pano ba dumaan saking bayan paguwi mo Hanggang sakin na bumase ang napili mong destino
Ayokong magsinungaling tama man eto't mali Pagikaw ang palapag, mahulog ay madali Nagwagi ng magdikit ang mga labi Sinakop ang palasyo kung sa'n ako naghari
Ohh hari! kaya laging may reynang katabi Sa kwadrado na mundo isang hakbang lang palapit Sadyang wala kong pamalit, sa damit naging pihikan Malagkit ang bawat titig, nadulas nung nagtinginan
Naglagi sa daan tabi ng hagdan para makita mong ibig namang Sabihin nito'y masamahan ka sayong napiling hakbang Meron dalang mahikang natural mong makikita Pagkat sadyang mapangakit sa gayuma ang karisma
Tadhana.... na nagbibiro at nagpapatawa Si bathala... ang bahala ngunit satin nya pinapagawa May taaalang pagtumitingin kay bumababa Tubbataha.....