Pambihirang Harana

Lyrics: Francesca Johnnae Chua Mahusay Music: Francesca Johnnae Chua Mahusay Kunwari ay di ko alam
ang iyong nararamdaman sabihin na lang, di ko narinig ang mga usap-usapan
Magbibingi-bingihan muna ako
dahil mahirap ang umasa sa hindi sigurado
Wag mag alala, di ko sasabihin
naiintindihan ko, kung di mo maamin
iwan nalang natin sa tadhana ang ating kapalaran o di na iimik,
kaya paumanhin
Kunwari ay di napansin
ang iyong bagong pagtingin, di magpapahalata,
o kailangan kong kumalma
Wala pang nangyari,
ako'y napaisip ng kung ano ano talagang kailangan pang magkahiyaan, di nalang sumubok?
Huwag kang magulat sa aking sasabihin
nais kong ipaalam na ito'y pang saatin lamang alam ko ang babae ay di dapat umaamin ng ganito bakit ganon?
Mali bang sabihing
ako'y may gusto sayo?
Aking aaminin
ito'y nakakatakot
pag isipan mo muna, aantayin ko ang iyong sagot