Lyrics: Rhodessa Marie S. Uy
Music: Rhodessa Marie S. Uy
Palaging nananaginip na
Katabi na kita
‘Di mawala sa ’king isip ang
‘Yong ngiting nakakahawa
Paano ko ba sasabihin
At aaminin sa ’yo
Pagod na ako na itago
Tunay na damdamin ko
Ako ay nananabik
Na makasama ka ulit
Halos ‘di na mapakali
Makatulog kakaisip
Kung pagbibigyan mo ako
Papatunayan ko sa ’yo…
Sa ’yo lang ang puso ko
Sa’n ba kasi magsisimula
“Hi baby, musta ka na”
Eh ba’t ba parang kinikilig ka
‘Wag mong takpan ang ‘yong mukha
Paano ko ba sasabihin
Na nandito lang ako
Pagod na ako na itago
Kaya sana ay ‘di mabigo
Ako ay nananabik
Na makasama ka ulit
Halos ‘di na mapakali
Makatulog kakaisip
Kung pagbibigyan mo ako
Papatunayan ko sa ’yo…
Sa ’yo lang ang puso ko
‘Wag ka matakot mahulog
Nandito ako sasalo
‘Wag ka matakot mahulog
Nandito ako sasalo
‘Wag ka matakot mahulog
Nandito ako sasalo
‘Wag ka matakot mahulog
Nandito ako sasalo
Ako ay nananabik
Na makasama ka ulit
Halos ‘di na mapakali
Makatulog kakaisip
Kung pagbibigyan mo ako
Papatunayan ko sa ’yo…
Sa ’yo lang ang puso ko