Lakad Ka Lang

Lyrics: Fernando Abainza Jr./Russel Oliveros Music: Fernando Abainza Jr./Russel Oliveros Mapayapa na umaga ang tanging hinahangad Bungad ng sariwang hangin na aking nalalanghap Panibagong hamon naman ang matatanggap Nilalasap bawat problema na aking hinaharap
Kung maulit ang kahapon ako'y natuto na Ipagtuloy ang pagbangon sila'y matutuwa Nalubog ka man sa alon at nagluluksa Masasalba ka sa pag-ahon habang naluluha
At sa muli mong pag-angat bitawan ang mabigat Pag-ingatan ang lahat kung ikaw ay nalingat Sa iyong pagkakagat ay naalala ang bakas Ng nakaraan ganap gustong iwanan sapagkat
Natuto maging tapat sa nangyari sarili Ganon ba talaga nasa huli ang pagsisisi Hindi pa huli para bumawi sa sarili Gawin ang nararapat para sayong kabubuti
Lakad ka lang paabante Sige lumakad ka lang lakad ka lang Marami ka pang matutunan Bawat tanong bigyan ng kasagutan
Lakad ka lang paabante Sige lumakad ka lang lakad lang Bawat galaw mo ay pagplanuhan Pawis ang magsisilbing puhunan
Sa pag-usad ko sa byahe dala ko ang diskarte Mga payo sa akin ang nagsisilbing dyamante Galingan mo lang parati meron pa din masasabe Hindi patas ang mundo kailangan man hindi balanse
Kahit minsan magulo hindi ka dapat malito Dahil hawak mong libro walang iba kundi iyo Tignan maigi ang katha na iyong nalilikha Ikaw ang magpapaganda ng iyong ginagawa
Kung paano nadala at paano natamasa Kinilusang pahinga hindi lang basta tumunganga Nilusong ang baha at hindi na nabahala Sapagkat may gatimpalang malaki si bathala
Inisip ang simula hanggang katapusan nito Hanggang marating muna ang ganda ng paraiso Madaming sinakripisyo at iniwan na ang bisyo May maganda pa syang plano kaya pa din ako nandito