Lyrics: Gabriel Josh Fallaria
Music: Gabriel Josh Fallaria
Hindi mapakali,
Ako'y nababalisa
Iniisip kung ba't ikaw sa akin ay nawala
Dii mapigil ang damdamin,
Sa tuwing aking nasisilayan
Ang 'yong ganda
Na parang liwanag ng
Mga bituin at buwan
Bakit ka nawala?
At kung sakali mang mag iba ang
Ikot ng mundo
At kung maiisip mong bumalik
Ay nandito lang ako
Laging nasasabik
Na muling makita ka
Hinahanap lagi ang kislap ng
'Yong mga mata
Si mapigil ang damdamin
Sa tuwing aking naaalalang
Wala 'kong nagawa para pigilan ang
Pag lisan mo sinta
Ba't ba ayaw mo na?
At kung sakali mang mag iba ang
Ikot ng mundo
At kung maiisip mong bumalik
Ay nandito lang ako
At kung di mo na mahal,
Laging tandaan
Di ka na papalitan
At kung sakali mang mag iba ang
Ikot ng mundo
At kung maiisip mong bumalik
Ay nandito lang ako
At kung sakali mang mag iba ang
Ikot ng mundo
At kung maiisip mong bumalik
Ay nandito lang ako
Kung sakali man( kung sakali man)
At kung sakali man