Lyrics: Daryl Ruiz/Louise Rafael Vaflor/Rajih Emmanuel Mendoza/David Bhen Emmanuel Galang/Sean Michael Cattala
Music: Daryl Ruiz/Louise Rafael Vaflor/Rajih Emmanuel Mendoza/David Bhen Emmanuel Galang/Sean Michael Cattala
‘Wag mong harangan ang daan
Papunta sa ‘yong mga ngiti
Sasamahan ka
Hangga’t ang tamis ay mabawi
Iyong sarili pagmasdan
Kung ga’no ka kahalaga
Sumandal
Hindi hahayaang mag-isa
Palagi mong ilagay sa isip mo
Na malabo kitang iwanan
Malabo kitang bitawan
Tumingin sa 'yong paligid
Puno ka ng pag-ibig
Ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan
Ikaw ang ibig sabihin ng ligaya sa dibdib
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim
Manalig ka na kaya mo
Dahil may darating pa na kung ano
Maghintay
Basag na isip mabubuo
Bumalik ka sa akin
Kapag nakuha mo na ang ‘yong gusto
Sabay abutin
Tawanan ang mapagbirong mundo
Palagi mong ilagay sa isip mo
Na malabo kitang iwanan
Malabo kitang bitawan
Tumingin sa 'yong paligid
Puno ka ng pag-ibig
Ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan
Ikaw ang ibig sabihin ng ligaya sa dibdib
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim
Ooh… hindi ka na dapat mangamba
Ako ang kasama mo at nakahanda ako
Na sa kanila ay ipaglaban ka
Subukan man nila tayong sirain
Ay malabo nang mangyari dahil
Pagmamahal pa rin ang mananaig sa ‘tin