Lyrics: Keanna Magracia
Music: Keanna Magracia
Pagsapit ng umaga
Pagdilat ng mata
Hindi makakain, nangangamba
Dinadala ng hangin aking mga paa
Ako’y lumulutang na sa wala
Hinahatak mo ako pababa
Upang maramdaman ang ‘di inaakalang
Paglalakbay tungo sa walang humpay
Na kapayapaan
Sa dami ng kaba
Nawawala ang salita
Nalilito kung sa’n ba pupunta
Hindi mapalagay
At nung hawak ang iyong kamay
Hindi na mawawala
Sa ‘yo’y sasabay
Sa pag-ulan ng langit
Hindi nadarama
Dilim at pighati (ahh)
Nawawalan ng kulay
‘Pag nababalisa
Kulay bahaghari
‘Pag nand’yan ka na
Sa kanila ‘di ko nakikita
Katahimikan na iyong dinadala
Na para bang itinadhana ng
Bituin at kalawakan
Sa dami ng kaba
Nawawala ang salita
Nalilito kung sa’n ba pupunta
Hindi mapalagay
At nung hawak ang iyong kamay
Hindi na mawawala
Sa ‘yo’y sasabay
(Sa ‘yo’y sasabay)
Nalulunod sa isip ko
Kapit sa patalim
Ngunit sa ‘yo
‘Di nabibigo
Iyong binabalik
Kulay at hangin
Sa dami ng kaba
Nawawala ang salita
Nalilito kung sa’n ba pupunta
Hindi mapalagay
At nung hawak ang iyong kamay
Hindi na mawawala
(Sa ‘yo’y sasabay)
Sa dami ng kaba
Nawawala ang salita
Nalilito kung sa’n ba pupunta
(Sa ‘yo’y sasabay)
Hindi mapalagay
At nung hawak ang iyong kamay
Hindi na mawawala
Sa ‘yo’y sasabay