Lyrics: Joshua Mari Miralles
Music: Joshua Mari Miralles
Kahit Saglit
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
Mula nung makita kitang kasama sya sa aking harapan
Umaasa na hanggang ngayon ay makausap ka pa rin
Ngunit iba na rin pala ang iyong laging hinihiling
Pwede bang halika na sinta
Pwede bang makasama pa
Pwede bang halika na sinta
Halika na sinta
Pwede bang bumalik ka na
Sana'y di na lang nawala
Kahit sa isang saglit lang makausap ka
Kahit na saglit kang makausap at muling mayakap
Gusto kong sabihin sayo
Na ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso kahit kanya ka na
Kahit saglit, kahit saglit lang
Kahit saglit, kahit saglit lang
"Kamusta ka na?" isa sa mha salita na gusto kong bitawan
Kaso parang nakakagulo na lang ako
Kapagka-sinambit konpa yung hindi naman na kailangan
Kitang kita ko na rin naman yung mga ngitian mo
Na dari rati na kala ko'y sa aking lang
Ngayon ko lang din naman kasi naramdaman yung ganitong sakit na tanging ako lang ang may alam
Ang hirap lang kasi na sarilihin yung sakit ano pang magagawa kundi ang pumikit
Ang makausap ka lang ba na kahit saglit
Upang mabawas bawasan lang ng konti yung pait
Patawad kung hindi ko nabigay sayo yung pagmamahal
Na tinatamasa mo sa kanya sa ngayon
Hinihiling ko lang na sana yung pangako nyo sa isa't-isa hindi gaya nung nasa akin ka pa non
Palago ka pa ring nandito sa aking isipan kahit anong pilit ko nakalimutan ay ganon pa rin
Yung pakiramdadam ko nung una ka na niligawan ngunit para sa akin ka pa rin hanggang ngayon
Kahit na saglit kang makausap at muling mayakap
Gusto kong sabihin sayo
Na ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso kahit kanya ka na
Kahit saglit, kahit saglit lang
Kahit saglit, kahit saglit lang
Dumarating sa punto na ikaw ay lagi kong naalala
Mga masasaya na sandali noong palagi kang kasama
Ngayon ay sa kanya ka na tila ang bilis lang nawala ng ganon kabilis
Umaasang mabawi
Ngunit relasyon nyo'y ayokong sirain
Tandaan mo lagi na ikaw pa rin
At sa puso'y mananatili oh
Kahit na saglit kang makausap at muling mayakap
Gusto kong sabihin sayo
Na ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso kahit kanya ka na
Kahit na saglit kang makausap at muling mayakap
Gusto kong sabihin sayo
Na ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso kahit kanya ka na
Kahit saglit, kahit saglit lang
Kahit saglit, kahit saglit lang