Lyrics: Jan Andrew De Mesa
Music: Jan Andrew De Mesa
Masaya naman tayo nung umpisa,
Puso nati’y parang pinagisa,
Di mapigilan ating nadarama,
Dahil sa ika’y mahal kong talaga
Pilit na hanapin ang sagot sa tanong kung bakit,
Bakit mo ko nakuhang talikuran at iwanan,
Na para bang isang laruan na nawasak,
Basta basta mo na lang na binitawan,
Sobrang hirap iwasan ng tadhana,
Kung tuluyan ka nang mawawala
Simula nung pasukin ng lamig ang ating puso,
Para bang ako’y nasisiraan na ng ulo,
Sa kakaisip para di ka lumayo,
Anong gagawin para ika’y manatili dito saking puso