Lyrics: Issa Rodriguez
Music: Issa Rodriguez
Di ka raw masyadong magaling
O eh ba't sinusubukan mo pa?
Di ka naman daw kaakit-akit
O eh bakit ka nagpapaganda?
Oh hindi naman sila mauubusan ng mga gan'yang salita
Pero ba't hanggang ngayon ay tuloy pa ring nagpapadala?
Di ka ba nagsasawa
Makinig sa mga boses na patuloy kang binababa
Diba alam naman natin na
Ikaw ay ikaw at ako ay ako
Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo
Pasok sa isang tenga, labas sa kabila
Wag na wag na wag kang papahila pababa
Ilang beses na ba 'to nangyari
O ba't 'di ka pa nadadala?
Ilang beses pa ba madadale
Bago magpakumbaba?
Oh kailangan ba talaga na lahat na lang ay 'yong pinupuna
Lahat tayo dito, sigurado
May kan'ya-kan'yang dinadala
'Di ka ba nagsasawa
Manakit ng mga kapwa mong wala namang ginagawa
Diba alam naman natin na
*
Mas-maingay ang mga walang masabing matino
Gamitin mo ang boses mo para i-angat ang kapwa mo
Masyado nang maraming negatibo sa mundo
Hindi ba pwedeng pairalin ang puso?
*
Ikaw ay ikaw at ako ay ako
Pantay-pantay lang tayong nilagay sa mundo
Kung wala kang nakikitang kabutihan sa kanila
Mas-mabuti pang sa'yo na nga mag-simula