Ayoko Nang Limutin Ka

Lyrics: Tj Tugay Music: Perlin Huberit Patawad kahit alam kong ‘di pupwede Sa araw-araw na ‘pagngiti ko't ‘pagtingin Patawad, ‘di ko naman sinasadya Ayaw sukuan, at ‘di ako nagsawang ibigin ka
Alam kong kaibigan lang Pinilit kong limutin ka...
Kasalanan ba na ikaw ay pangarapin Na balang araw sana ikaw ay maging akin Huli na ba ako o maaga lang aking pagdating O baka sadyang ayaw mo lang sa ‘kin
Umasa kahit walang pinaglalaban Pangarap kahit alam ko nang ako'y talunan
Alam kong kaibigan lang Pinilit kong limutin ka (pinilit kong limutin ka)
Kasalanan ba na ikaw ay pangarapin Na balang araw sana ikaw ay maging akin Huli na ba ako o maaga lang aking pagdating O baka sadyang ayaw mo lang sa ‘kin
Siguro nga hanggang dito na lang Magmahal at ngumiti Kahit sa panaginip lang akin
Alam kong ‘di naman talaga pwede Kaibigan lang ang kaya mong ibigay pero bakit parang ayaw kong bumigay
Kahit sa panaginip lang akin
Sa araw-araw na pagtingin at pasimpleng pagngiti Sa pagmamahal na ‘di masusuklian at walang patutunguhan
Kahit sa panaginip lang akin
Ako'y iyong pinasaya kahit alam kong ito'y pansamantala Puso kong talunan ay ayaw kang sukuan
Alam kong kaibigan lang Pinilit kong limutin ka Ayoko nang limutin ka