Lyrics: Raven Willan Lark Columna
Music: Raven Willan Lark Columna/Philamer Celi/Eleven Beats/Mark Pajarillo
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala namang hawak na pera
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala, wala
Mayaman man nahirapan
Pa din abutin ang tunay na kasiyahan
Kaya minsan kalayaan
Ang takasan ang problema ng kahirapan
Hindi lang sa pera, kalusugan, pamilya
Disiplina ng isip at haba ng pasensya
Yung dating gasera, magiging bumbilya
Liwanag sisilip sa dilim ng kunsensya
Wag mong piliin ang katangahan sa kasikatan
Away na pinagkakakitaan
Ang buhay ay hindi payamanan ito ay pasarapan
Pero dapat pagsikapan
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala namang hawak na pera
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala, wala
Kamusta na Pilipinas pagkakaisa
Pagkakaisa!
Pinunong pagpipilian dapat wais na
Dapat wais ka!
Pero pangarap mo'y wag iasa sa pulitikong binoto
Disiplina ang kailangan mo
Yung mali mong gawain ay kung uulitin mo'y niloko
Mo nalang din ang sarili mo
Err day hustlin, much less talkin
Mas pipiliin kong ayusin kung ano yung akin
Imbis iba'y isipin at haters ay silipin
Uunahin kong abutin di nyan kaya na habulin
Lahat ng balakid tinuturing pahiwatig
Yun ay merong nagsasabing nakatitig sa'king pananalig
Kahit anong tinig galing man sa negatibong bibig
Di ako napatid gumapang sa pagtawid kumabig
Positibong enerhiya
Pinapasok ko sa aking mga linya
Matamis na tinta
Kung sinong makarinig ay lasapin nya
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala namang hawak na pera
May mga tao na mahirap
Ang meron lang sila ay pera
May mga tao na mayaman
Kahit wala, wala