Lyrics: Marc Silva Music: Marc Silva Paliwanag mo sa akin sa ilalim ng buwan Init sa gabing sabay nating sinindihan Bakit pagdating sa ‘yo hindi mahindian ‘Di man kita inabutan, basta 'di ka duguan Basta ang alam ko lang, alam ko na mali ‘to Umiikot lang sa tama, doon tayo nahihilo Ihuhulog sa balon, 'yong natitira kong piso Kahilingan sa ngayon, mapunta sa paraiso Basta ba nakangiti, ipasa mo sa akin Liliparin kita nang 'di nagpatangay sa hangin Ramdam ko 'yong gaan, kapag ikaw na ang pasanin Sa oras na natira, ikaw 'yong 'di ko sasayangin Pero kalma lang, kakantahan kita Sulat makikita, basahin aking mata Pwede ba 'kong magtanong ba't mo 'to pinapadama Lisanin natin ang mundo tapos sagot ay tayo na Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (sumakay ka lang) Abutin natin ang langit Sa 'kin sumabay ka lang Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan Basta sumakay na lang, sumabay ka lang, sa 'kin sumakay na lang Halos sagot ka na sa bakit, kung bakit ko natanong Regalo samakatuwid ay lumabas ka sa kahon 'Di mo nais magtakong o magpabitin sa puson Medyo nahulog sa rason na may kupas na pantalon Sumasabay sa alulong dis-oras ‘pag nag-ululan Parehas tayong ulupong, ‘pag nalasing may banatan Tiyaga na sa kaning tutong, handa na sa 'ting kainan At maaaring ibulong nang 'di na magparinigan Pa’no ko tutumbasan tila perpektong halimbawa Pinto ay binuksan, pumasok ka bilang biyaya Lingid sa kaalaman at humigit na sa akala Pwede bang pakasalan nang lumuhod na ‘ko sa tala Sa daan na palapit sa paraang 'di mo tiyak Ay masasabing kasiyahan ko ang iyong pag-iyak 'Di na para magtanong kung bakit naging masaya Nilisan namin ang mundo at 'yong sagot ay kami na Halika na kumapit tapos sumakay ka lang (sumakay ka lang) Abutin natin ang langit Sa 'kin sumabay ka lang Ibuga natin sa hangin pagkatapos sindihan Sabay tayong ngingiti sa dulo ng kaulapan Basta sumakay na lang, sumabay ka lang, sa 'kin sumakay na lang Basta sumakay na lang Basta sumakay ka lang