Magbago

Music: Lino Dayupay Tapos nang hatinggabi at di ka pa umuuwi Pagod na pagod na ko sa pagiging mag-isa Bakit pa ko umaasa sa lalaking katulad mo Dios ko ako'y nalulungkot sa pag-ibig na di totoo
Sawa na ko dito Di ka na natuto kailangan kang magbago
Sinungaling mong puso sakit ka sa aking ulo kailangan kang magbago
Harapin ang totoo tuwirin ang baluktot kailangan kang magbago
Hahanapin kong ligaya ko bahala ka sa buhay mo Kailangan ko ring magbago
Paikot ikot lang tayo wala tayong nararating Lagi mo kong sinasaktan pagkatapos nilalambing Bakit pa ko umaasa, bakit pa tayo magkasama? Na sa iyo ang ginhawa ako ang kawawa
Tama ba? Tama na!
Paglumalapit ako'y nasasaktan kailangan kitang iwasan Nag iba nang panahon nagbago na ang isip ko kailangan kitang iwanan
Magbago ka magbago ka Magbago ka magbago ka Magbago ka magbago ka Magbago ka magbago ka