Sa Piling Mo (Original Soundtrack From "Instant Daddy")

Lyrics: Ogie Alcasid Music: Ogie Alcasid Sa piling mo ako’y buhay Napapawi ang lungkot at lumbay Walang iba para sa ‘kin At habang buhay kitang mamahalin
Ipinapangako ko Pakakaingatan ko ang iyong puso Hindi ka na mag-iisa ‘Pagkat ako ay lagi mong makakasama
Sa piling mo nadarama Ang walang patid na pagsinta Minimithi, gabi’t araw Na ang magmamahal sa akin ay ikaw
Ipinapangako ko Pakakaingatan ko ang iyong puso Hindi ka na mag-iisa ‘Pagkat ako ay lagi mong makakasama Ngayon at kailanman Sa hirap at ginhawa
Sa piling mo ako’y buhay Napapawi ang lungkot at lumbay Walang iba para sa ‘kin At habang buhay kitang mamahalin
Sa piling mo