Lyrics: Raven Willan Lark Columna/Jireh Singson Music: Jas Santos/Raven Willan Lark Columna/Jireh Singson Di na kita mahal tulad ng dati Di na rin hinahanap pag Wala sa 'king tabi Di na kita makita Sa pangarap ko sinta At parang manhid na din ang puso Pag nakasama ka
Ano pa ba ang dapat ko'ng gawin Pano ko ba to aaminin Salitang di ko na alam Kung san ko hahagilapin Nalilito na rin ako sa sasabihin Masaya naman tayo nun Naiwan ka na nga lang dun ngayon Di ko rin akalain matutuyot ang damdamin Nag-iba ihip ng hangin kahit
Wala ka namang maling nagawa Pero biglang nawala Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati Di na rin hinahanap pag Wala sa 'king tabi Di na kita makita Sa pangarap ko sinta At parang manhid na din ang puso Pag nakasama ka
Pinilit ko rin na ayusin to Hinanap ko lang din ang sarili ko Di ko sayo natagpuan Aking pinagpaguran Di pala ikaw ang dahilan Yoko lang din maghanap pa Ng panlinlang para sisihin ka
Wala ka namang maling nagawa Pero biglang nawala Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati Di na rin hinahanap pag Wala sa 'king tabi Di na kita makita Sa pangarap ko sinta At parang manhid na din ang puso Pag nakasama ka
Sadyang ganyan talaga ang tadhana Siguro nga'y la nang pag-asa Wala naman sa 'ting nagkasala Nawala lang ng kusa Kislap nating mga mata, Tibok na ’yong nadarama, Kahit na anong gawin Di ka na masaya Tumingin ka pabalik Di mo ba nakikita Na nadurog ako Sa salitang iyong sinabi na
Kasi wala ka namang maling nagawa Pero biglang nawala Ang aking nadarama
Di na kita mahal tulad ng dati Di na rin hinahanap pag Wala sa 'king tabi Di na kita makita Sa pangarap ko sinta At parang manhid na din ang puso Pag nakasama ka
Laging pabalik balik Sa isip paulit ulit Naririndi na sayong Mga salitang Sana'y malimot na