Lyrics: Marco Angelo Cruz/Coulter Obsum/John Jerick Gona Music: Marco Angelo Cruz/Coulter Obsum/John Jerick Gona Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako?
Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo? Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo?
Sino ba tamang ehemplo? Sarili ko lang kadwelo, Sakit na walang remedyo Sa utak ko nakasentro, ‘Gang sa puso dumeretso Nakita ko ang epekto, Alam kong walang perpekto Pero bakit may depekto Ako, ay nasa pagitan ng, Pakisama't pakikiramdam, Nang gustong maging iba ang aking lohika ayaw ng may nangingialam, Nasa pagitan ng pagkabalisa at kawalang bahala Kaya ng mag-isa pero umaasa sa impluwensya ng iba ay nadadala kaya nga 'Di maiwasang maikumpara, ang sarili sa kanila,
Dapat bang magpresenta o magpakumbaba, Magnilaynilay at humiga, Nais sanang magbagong ruta nang 'di nababangga, Nais sanang mahanap ang katauhan nang 'di nawawala, Kaya, Makikipagmatigasan pa ba 'ko o maging sunud-sunuran na lang sa tao Pagkat binigo na nila 'ko, Sa buhay talo ka kapag bano 'di patas ang laro Minsan baraha'y malas 'di aayon sa'yo Parang pasan mundo Nasa gitna ako, Ng 'di ko na kaya suko na ako at kaya ko ito
Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako?
Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo? Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo?
San ba ang destinasyon? Kailangan pa bang tumungo? Ano bang dapat gawin para lang ika'y matuto? Nang madinig ko sinubukan na huminto Mga tanong, sa mundo ko'y nagpapaikot, Kahit malayo gusto tawirin, sinungkit ‘di lang bituin, Para sabihin na luto ko ang dapat na mapatikim, Naging tamad sa hiling, at mga tamang ‘di kayang dalhin, Hirap na rin kumapa sa dilim, Mapaganda lang ang imahe na napinta ko sa dingding, Sino bang tunay? Basehan na ba ang kulay? Yuh Dati na sungay binali para sa papugay Daming gustong maging pabaon sa hukay, Pinipilit na magpakabusog, kahit pa na nakakaumay, Daming nagpapalito, kaya minsan ay wala nang kibo, Naiinip kaya tumatakbo, parin sa utak mga bulong mo, Pikit mata sa mga nasilayan eyy, mahalaga ba ang ngalan? Sa’n ang daanan? Para bukas ay pwede nang takasan
Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako Naliligalig at gulong gulo Nahihilo ako, sa ikot ng mundo Aking damdamin, ay nalilito Sino nga ba ang susundin ikaw ba o ako?
Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo? Naliligalig, (Naliligalig) sa daming gusto Nahuhumaling, (Nahuhumaling) ano bang totoo?
Tila naabala, parang sira na, Wala nang pag asa, na makalaya Sa utak ko nakakulong Sobrang labo ‘di ko mabasa Kung malinawan sa pag iisip napakahirap ‘to na masama, Daming bumubulong mga boses na hindi ko kilala, Nang makalatag pangarap sa buhay na pinapalasa ‘Di maiwasan, sa katanungan, Ng matutunan at alagaan, ‘Di masama, nakataya sa’king likha, Kung mawala, napakahirap na magapabaya, Gusto na mag padala, Sarili na byahe’t daan ‘yokong mapag iwanan Bahid ng nakaraan, nais ko malampasan Sagabal man dito ay papalagan, Para malaman nila tayo ay mag kaiba Meron pa natitira, Kahit na parang baliw sa paningin ng mga namuna, Bahid ng karangyaan gusto ko ng gilitan Pagsulong ko na paraan, bago mo pa higitan Hatid ko lang dito ay kamalayan