Daluyong

Lyrics: Ruth Dadivas del Rosario Music: Ruth Dadivas del Rosario "DALUYONG"
‘Di ka mag-iisa, sasamahan kita ‘Di ka mag-iisa, sasamahan kita
?
Verse 1: Hindi naman laging payapa ang karagatan At 'di naman laging damdamin ay magaan Dumarating din ang kaguluhan sa isipan Na tila ba lumulubog sa hampas ng alon
Pre-Chorus 1: Wag mong kalilimutan na Nandito lang Ako, sinta
Chorus: 'Di ka mag-iisa Sasamahan Kita Kahit na daluyong ang sumalubong 'Di ka iiwan, sinta 'Wag ka nang mangamba Sa 'Kin ay kumapit ka Di ka bibitawan Ako ang kanlungan Hanggang sa daluyong ay humupa ahh Daluyong ay humupa
Verse 2: Hindi magtatagal lilipas din itong unos Ngiti sa labi ay makikita nang muli (makikita nang muli) ‘Di magsasawang sa'yo'y sabihin, ulit-uliting "Mahal Kita, kumapit ka, Ako'y nandito pa"
Pre-Chorus 2: Maaasahan mo, sinta Ligtas ka sa 'King bangka
Chorus: 'Di ka mag-iisa Sasamahan Kita Kahit na daluyong ang sumalubong 'Di ka iiwan, sinta 'Wag ka nang mangamba Sa 'Kin ay kumapit ka Di ka bibitawan Ako ang kanlungan Hanggang sa daluyong ay humupa
Bridge: At sa paghupa ng daluyong Isasayaw kita (isasayaw kita), sinta Iindak tayo sa buhanginan na nakapaa Sa ilalim ng Araw ay iindak tayo O sa ilalim ng buwan… Na nagbigay.. ng Pag-asa..
Chorus: 'Di ka mag-iisa Sasamahan Kita Kahit na daluyong ang sumalubong 'Di ka iiwan, sinta 'Wag ka nang mangamba Sa 'Kin ay kumapit ka Di ka bibitawan Ako ang kanlungan Hanggang sa daluyong ay humupa ahh Daluyong ay humupa.. Daluyong ay humupa.. (humupa na, humupa na) Daluyong ay humupa.. (humupa na, humupa na) Daluyong ay humupa na, ahh.